^

Bansa

Human trafficking case vs Alice Guo isasampa sa Pasig court – DOJ

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Human trafficking case vs Alice Guo isasampa sa Pasig court – DOJ
Former Bamban, Tarlac Mayor Alice Leal Guo or Guo Hua Ping appears before Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality on Sept. 9, 2024. (Senate Public Relations and Information Bureau)
Senate Public Relations and Information Bureau / Release

MANILA, Philippines — Nakatakda nang ihain ng Department of Justice (DOJ) ang kasong qualified human trafficking laban kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Pasig City Regional Trial Court (RTC) ngayong linggong ito.

Ito ay kasunod na rin nang pagpayag ng Supreme Court (SC) sa ­hiling ng DOJ na mailipat ang pagdinig sa naturang kaso mula sa Capas, Tarlac Regional Trial Court (RTC) Branch 66 patungo sa Pasig RTC.

Bukod kay Guo, kaka­suhan din ang kanyang mga umano’y business partners, na kinabibilangan ng umano’y POGO “big boss,” na si Huang Zhiyang.

Nauna rito, lumiham si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla kay Chief Justice Alexander G. Gesmundo noong Abril 22 at hi­niling na mailipat ang criminal case numbers 9855-9857 (PP vs Ma The Pong, Wang Weili, Lang Xu et al.) mula sa Capas, Tarlac RTC patungong Metro Manila.

Kumpiyansa ang DOJ na sapat ang kanilang ebidensiya upang mapanagot ang mga respondents sa mga kasong kinakaharap ng mga ito.

Ayon sa DOJ, ang mga kaso sa ilalim ng Republic Act 9208, o The Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, ay non-bailable at may katapat na parusang habambuhay na pagkabilanggo.

Una na ring nailipat ang graft case na kinakaharap ni Guo sa Valenzuela RTC.

Bukod sa qualified human trafficking at graft case, si Guo ay nahaharap din sa tax evasion at money laundering sa DOJ.

RTC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with