^

Bansa

Pangulong Marcos nagbigay pugay sa ‘unsung heroes’

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos nagbigay pugay sa ‘unsung heroes’
Matapos pangunahan ang wreath-laying ceremony sa Tomb of the Unknown Soldiers sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City ay nilapitan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga war veterans na kabilang sa mga “unsung heroes” na binigyang pugay kasama ng mga magsasaka, wage earners, guro, health workers, at civil servants sa paggunita kahapon sa National Heroes Day.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Bilang paggunita sa Araw ng Kagitingan, binigyang pugay at pagkilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga bayani sa bansa kabilang dito ang mga guro, magsasaka at mga healthcare workers.

Sinabi ng Pangulo na binibigyang pugay ang tinaguriang “unsung heroes” na ang kontribusyon ay napakahalaga para sa pagtatag at pagsusulong na bansa tulad ng mga magsasaka, gayundin ng mga wage earners na nagtutulak ng ekonomiya.

Gayundin ang mga guro na humuhubog sa isip ng mga kabataan at mga healthcare workers na nagliligtas ng buhay at ang mga civil servants na rumesponde sa mga pangangailangan ng publiko na siya rin nagpapakita simpleng kabaitan sa bawat Filipino.

Kinilala rin ni Pangulong Marcos ang matatapang na bayani na nakipaglaban para matamasa ang kalayaan ng bansa ngayon.

“From the valiant resistance of Lapu-Lapu against foreign invaders to the revolutionary spirit of Andres Bonifacio and the resolve of the Katipuneros, our rich heritage has been forged in the fires of struggle,” ayon pa kay Marcos.

Tulad din aniya nina Jose Rizal, Apolinario ­Mabini, Emilio Jacinto at iba pang bayani ay nagpapaalala sa mga Filipino na kailangan na patuloy na makipaglaban para sa magandang kinabukasan.

Nauna nang idineklara ng Malakanyang ang Agos­to 26 bilang regular holiday para sa pagdiriwang at paggunita ng National Heroes Day.

HEROES

WORKER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with