^

Bansa

OCTA: 57% ng mga Pinoy, tutol sa diborsiyo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
OCTA: 57% ng mga Pinoy, tutol sa diborsiyo
Individuals walk along the LRT Monumento Station during rush hour in Caloocan on May 16, 2024.
STAR/ Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Mahigit sa kalahati ng mga Pinoy ang tutol sa pagsasa-legal ng diborsyo sa bansa, batay sa pinakahuling “Tugon ng Masa” survey ng OCTA Research group na inilabas kahapon.

Ayon sa survey, 57% ng mga adult Filipinos ang hindi sumusuporta sa pagpapasa ng batas na magsasa-legal ng diborsiyo sa bansa.

Ito ay pagtaas mula sa 51% na naitala sa nakaraang survey noong ikatlong bahagi ng 2023.

Samantala, 39% ang pabor na gawing legal ang diborsiyo, o pagbaba ng 2% mula sa nakaraang survey. Nasa 4% ang undecided o 5% na pagbaba mula sa nakalipas na survey.

Pinakamarami umanong tutol sa diborsiyo sa Ba­lanced Luzon, 61%; Mindanao, 57%; Metro Manila, 50% at Visayas, 49%.

Pinakamaraming pabor sa Visayas, 50%; Metro Manila, 46%; Mindanao, 35% at Balanced Luzon, 35%.

Ang non-commissioned poll ay nilahukan ng 1,200 adult Filipinos at isinagawa mula Hunyo 26 hanggang Hulyo 1.

OCTA RESEARCH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with