^

Bansa

Pagbaha sa Pasay ‘di dahil sa ­reclamation sa Manila Bay – eksperto

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mahirap umanong sabihin na ang reclamation project sa Manila bay ay siyang direktang dahilan ng pagbaha sa Pasay lalo na sa harap ng Senate building, kmakalawa.

Ayon kay Executive director Mahar Lagmay ng Project NOAH, tumanggi itong sabihing may kinalaman ang reclamation sa pagbaha hanggang walang pag-aaral na isinasagawa dito.

Sabi ni Lagmay, bilang isang siyentista, kailangan umanong saliksikin pa kung may epekto nga sa pagbaha ang reclamation sa Manila bay bago maniwala sa mga haka-haka.

Kumalat kasi sa kasagsagan ng bagyong Carina ang mga pagpuna na maaaring may kinalaman ang reclamation projects sa Manila bay dahil sa pagbaha ng harapan ng Senado.

Inamin na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi nakayanan ng kanilang 71 pumping stations ang biglaang pagbuhos ng malakas na ulan.

Ayon sa MMDA, 30 millimeter per hour volume lamang ng tubig ulan ang kaya ng mga pumping stations, samantalang lampas sa 74 millimeters per hour volume ng ulan ang rumagasa bunga ng Super Typhoon Carina.

Tumagal din aniya ng lampas 10 oras ang ulan na naging sanhi upang maabot ng mga pumping stations ang overcapacity. Bukod pa sa ulan, nakalala rin sa pagbara ng mga pumping stations at mga drainage ang tone-toneladang mga basura at langis.

Nang bisitahin ng Pasay DPWH engineering team ang Diokno boulevard, nakita dito ang sandamukal na mga basura. Nang matapos ang paglilinis ng mga estero, humupa ang baha sa harapan ng Senado dakong alas-4 ng hapon at nakadaan na ng mahusay ang mga behikulo.

Bagamat mas malakas ang bagyong Ondoy, hinatak naman ni Carina ang hanging habagat na siyang nagpalakas sa hangin at taglay nitong tubig ulan. Kaya naman lumubog sa tubig ulan ang ilang mababang lugar.

NOAH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with