Development agenda ni Pangulong Marcos sa SONA suportado ni Rep. Co
MANILA, Philippines — Suportado ni House appropriations committee chairman Rep. Zaldy Co (Ako Bicol Party-list) ang inilatag na development agenda ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) noong Lunes.
“Muling pinatunayan ni Pangulong Marcos ang kanyang dedikasyon na iangat ang buhay ng bawat Pilipino,” ani Co na binanggit ang mahalagang papel ng paglalaan ng budget sa tagumpay ng mga programa ng Pangulo.
Pinagtibay ni Co ang kanyang suporta sa mga Legacy Projects ng administrasyon, partikular sa seguridad sa pagkain, pangangalagang pangkalusugan, pabahay, edukasyon, at pagpapaunlad ng imprastruktura.
Kritikal na usapin para sa maraming Pilipino ang seguridad sa pagkain at pagpapababa ng presyo ng bilihin, ayon sa Pangulo.
Ayon kay Co, lubhang mahalaga ang pagpapaunlad ng agrikultura at mga modernong pamamaraan ng pagsasaka para makamit ang kasapatan sa pagkain at mapababa ang presyo ng bigas at iba pang pangunahing bilihin. Ang kanyang komite ay maglalaan ng pondo para sa irigasyon at fertigation, contract farming, pamamahagi ng binhi, at mekanisasyon ng sakahan.
- Latest