^

Bansa

Gobyerno handa sa La Niña – MMDA

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Gobyerno handa sa La Niña � MMDA
Ayon kay MMDA head of Special Events Emmanuel Miro, bilang paghahanda sa La Niña ay patuloy na naglilinis ng mga kanal, estero at iba pang mga daluyan ng tubig ang kanilang flood control office.
Freeman photo

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na handa ang gobyerno sa pagpasok ng La Niña sa bansa.

Ayon kay MMDA head of Special Events Emmanuel Miro, bilang paghahanda sa La Niña ay patuloy na naglilinis ng mga kanal, estero at iba pang mga daluyan ng tubig ang kanilang flood control office.

Nauna nang nag-isyu ng La Niña alert ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Biyernes, kaya inaasahan na 70 porsiyento na mabubuo ang La Niña ng Agosto hanggang Oktubre na tatagal hanggang unang quarter ng 2025.

Siniguro na rin ni Pangulong Ferdinand Marcos na handa ang gobyerno sa paparating na La Niña.

Naghahanda na rin ang  mga ahensiya ng gobyerno tulad ng Department of Energy (DOE) sakaling magkaroon ng damage ang transmission lines.

Gayundin ang Department of Agriculture (DA) na siyang mangangasiwa sa tubig at distribusyon ng flood tolerant rice varieties.

vuukle comment

LA NIñA

PAGASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with