^

Bansa

Higit 1K tauhan ikakalat ng MMDA sa SONA

Ludy Bermudo, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Higit 1K tauhan ikakalat ng MMDA sa SONA
Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Assistant General Manager for Operations David Angelo Vargas and a complainant speak to the media regarding the alleged bribery of an MMDA Traffic enforcer on March 19, 2024.
STAR / Ryan Baldemo

MANILA, Philippines — Magtatalaga ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mahigit isang libong tauhan na siyang mag-aayos sa daloy ng trapiko sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa Hulyo 22 sa Batasang Pambansa, Quezon City.

Sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO), ang MMDA ang mangangasiwa sa daloy ng trapiko, gayundin sa mga pedestrians at magsisilbing emergency respondents sa SONA.

Ayon naman kay MMDA Traffic Operations Officer Manny Miro, magsasagawa rin ang MMDA personnel ng road at sidewalk clearing at magmomonitor ng traffic sa mga highway patungo sa Batasan.

Nauna nang ipinag-utos ni Pangulong Marcos sa Kamara na i-accommodate lahat ng nais na dumalo sa SONA.

Bilang pag-iingat naman ay nag-locked down na ang Batasang Pambansa simula nitong Biyernes, Hulyo 19 bago ang  SONA na araw ng Lunes.

Nilinaw naman ni Miro na sa ngayon ay wala pang isasaradong mga daan.

Mag-aanunsiyo aniya ang MMDA sa mga kalsadang isasara bago ang SONA.

vuukle comment

MMDA

SONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with