^

Bansa

Dagdag na P100 sahod, iginiit ni Bong Go

Pilipino Star Ngayon

Displaced workers sa Zamboanga City inayudahan

MANILA, Philippines — Libu-libong nawalan ng trabaho ang inayudahan ni Senator Christopher “Bong” Go sa Zamboanga City.

Sa kabila ng panandaliang pagkawala ng kur­yente, ipinakita ang katatagan at dedikasyon ni Go at ng kanyang Malasakit Team nang ipagpatuloy ang pamimigay ng mga tulong.

Sa aktibidad na isinagawa sa Zamboanga Pe­ninsula Polytechnic State University, personal na namigay si Go at ang kanyang Malasakit Team ng iba’t ibang tulong sa 2,652 displaced workers.

Pinuri ng senador ang DOLE sa kanilang maagap na pagtugon sa mga hamon na kinakaharap ng mga mahihirap at nawalan ng trabaho. Ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) prog­ram na pinasimulan ng DOLE at laging suportado ni Go, ay nagbibigay ng emergency na trabaho at oportunidad sa kabuhayan sa mga nawalan ng pinagkakakitaan dahil sa krisis.

“Ang programang ito ay mahalaga sa pagbibigay ng pansamantalang trabaho at pagtulong sa ating mga kapwa Pilipino na makabangon muli,” ayon kay Go.

Bukod pa rito, inihain ni Go ang Senate Bill 420 upang magtatag ng isang panandaliang programa sa pagtatrabaho sa mga karapat-dapat na indibidwal mula sa mga mahihirap na sambahayan.

Upang mapagaan naman ang pinansiyal na pasanin ng mga manggagawang Pilipino, patuloy na isinusulong ni Go ang SBN 2534 na naglalayong dagdagan ng P100 ang arawang minimum na sahod sa buong bansa kung ito magiging batas.

SALARY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with