^

Bansa

In sickness and health: Mag-asawa na lumaban sa sakit, gumaling sa tulong ni Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil tatlong beses nang dumaan sa malubhang sakit sa puso ang asawang si Jonaldo, hindi inakala ni Pia Daway, 65, ng Novaliches, Quezon City na lalala pa ang kanilang sitwasyon.

Ang unang dalawang operasyon ni Jonaldo ay nangyari sa pagitan ng 10 taon. Noong 2022, nangailangan siya ng isa pang kagyat na interbensyong medikal.

“Noong una po na siya ay naoperahan, bypass (surgery). After 10 years, naulit po siya. Ang procedure na po na ginawa ay angioplasty,” ang kuwento ni Pia.

Parang ayaw tigilan ng mga hamon sa buhay, si Pia mismo ay hindi nakaligtas.

“Ako, nagkasakit po ako ng cancer, dalawang cancer,” ani Pia.

Ang dobleng diagnosis ng cancer sa kanya ay nangyari sa panahon na ang kanilang financial resources ay numipis dahil sa mga medikal na pangangailangan ni Jonaldo.

Habang nasa desperadong sandali, inilapit sila ng isang kaibigang nagtatrabaho sa Philippine Heart Center sa Quezon City sa Malasakit Center.

“Ngayon, ‘yung kaibigan kasi namin, nandun sa Heart Center. ‘Sige, Tita,’ sabi niya sa akin, ‘Tutulu­ngan ka namin... nandiyan po ang Malasakit Center,” kuwento pa niya.

Ang Malasakit Center, ay inisyatiba ni Senator Christopher “Bong” Go na idinisenyo upang bawasan ang mga bayarin sa ospital sa pinakamababang posibleng halaga sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng iba’t ibang mga programa sa tulong-medikal ng mga pangunahing ahensya ng gobyerno.

Para kina Pia at Jonal­do, ang Malasakit Center ang nagbigay ng mahalagang pagbabago ng pag-asa at posibilidad sa kanila.

Sa tulong ng Malasakit Center, nalampasan ng mga Daway ang mga pinansiyal na pasanin.

Dahil dito, napuno ng pasasalamat ang puso ni Pia kay Sen. Go.

“Pag kayo ay nangangailangan, lalo na sa sakit, ay, takbo kayo kay Malasakit Center. Kuya Bong Go! Sa iyo, nakita namin ang pagmamahal mo sa bayan,” ang masa­yang kuwento ni Pia.

vuukle comment

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with