^

Bansa

Move It, PNP magtutulungan sa paghuli ng kawatang riders

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Move It, PNP magtutulungan sa paghuli ng kawatang riders
Photo of a Move It rider in Bonifacio Global City, Taguig
Releasd / Move It

MANILA, Philippines — Nakahanda ang isang motorcycle company na gamitin ang sarili nitong teknolohiya para tulu­ngan ang Philippine National Police (PNP) na mahuli ang ­riders na lumalabag sa batas.

Ayon kay Move It General Manager Wayne Jacinto, batid ng kanilang kompanya ang posibilidad na mapasukan ang Move It ng masasamang indibidwal o gamitin ng mga ito ang kanilang uniporme para maikubli ng mga ito ang paggawa ng krimen.

Ginawa ng Move It ang pahayag sa gitna ng pagkakahuli sa isa nitong rider na di-umano’y sangkot sa isang panghoholdap sa San Juan City kamakailan.

“Sinisiguro namin sa publiko na kapag talagang sangkot ang Move It riders, magiging transparent kami tungkol dito, at gagamitin namin ang teknolohiya sa aming app para i-trace ang guilty parties para mapanagot ang mga ito sa kanilang mga pagkakasala,” ani Jacinto.

Binigyang-diin ng Move It executive na ang pagkakakilanlan ng suspek sa panghoholdap sa San Juan at pagkakahuli rito kinalaunan ay nangyari dahil na rin sa pakikipagtulungan ng kanilang kompanya.

“Nang makatanggap kami ng reports na isang Move It rider daw ang involved sa pangho-holdup, agad kaming nakipag-ugnayan sa PNP para i-validate kung ang taong iyon na gumagamit ng Move It uniform ay rider talaga namin,” ani Jacinto.

Paliwanag niya, ang naging aksiyon ng Move It ay parte na ng ginawa nilang protocols noon pa upang matugunan ang mga katulad na insidente.

Nang maidetine na ang suspek at kasabwat nito, natuklasan na ang nasabing Move It rider ay namamasada rin pala para sa ibang ride-hailing application.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with