^

Bansa

Mga barko ng China Coast Guard sa Zambales, tanaw na ng mga mangingisda

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Mga barko ng China Coast Guard sa Zambales, tanaw na ng mga mangingisda
Fishermen carry decorative aquarium fishes for sale at a fish port in Masinloc, Zambales on June 17, 2024.
Jesse Bustos/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pagkabahala ang mga mangingisda mula sa Zambales dahil sa lapit ng mga barko ng China Coast Guard sa pampang ng Masinloc, Zambales.

Ayon kay Leonardo Cuaresma, pangulo ng New Masinloc Fisherman’s Association, nasa 30 nautical miles na lamang ang layo ng mga CCG mula sa pampang ng Masinloc.

Aniya, papalapit na nang papalapit ang mga ito at natatanaw na nila.

Sinabi Cuaresma na pinagbabawalan sila ng CCG na mangisda sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal na sakop ng West Philippine Sea (WPS).

Nabatid na hindi na pumupunta sa Bajo de Masinloc ang mga ­mangingisda dahil sa ginagawang pangha-harass at panggigipit ng China.

Paliwanag ni Cuaresma, dati rati ay nakakaabot sila malapit sa triangular colar reef formation ­subalit ngayon ay nasa 100 milyahe ang layo nila.

“Unang-una, nakikita natin ‘yung nangyayari ngayon na totoong mapanganib po ang pangyayari na talagang hina-harass na po nila ‘yung ating mga mangi­ngisda at maging ‘yung ating ­Philippine Coast Guard,” ani Cuaresma.

Napag-alaman na si­mula Hunyo 15 mas dumami ang mga nagpapatrolyang CCG sa Bajo de Masinloc.

Kumukuha na lamang sila ngayon ng pagkakataon upang makapangisda.

vuukle comment

CHINA COAST GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with