^

Bansa

Palasyo: Harassment ng China sa Ayungin di ‘armed attack’

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Palasyo: Harassment ng China sa Ayungin di �armed attack�
The China Coast Guard maneuvers in front of a Philippine government supply ship in an attempt to block its way to Scarborough Shoal, off Zambales province, Philippines on April 6, 2024.
STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Hindi pa rin itinuturing ng Malakanyang na armed attack ang pinakabagong insidente ng pangha-harass ng Chinese Coast Guard sa mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Ayungin Shoal.

Ito ang pahayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin, chairman ng National Maritime Council matapos ang ginawang pagpupulong sa Malakanyang kahapon.

Sa tanong kung maituturing ng pamahalaan na armed attack ang panibagong insidente sa Ayungin Shoal, sagot ni Bersamin, maaring hindi lamang nagkaintindihan o aksidente ang nangyari.

“No, you know, this was probably a misunderstanding or accident. We are not yet ready to classify this as an armed attack. I don’t know kung yung mga Nakita naming is mga bolo, axe, nothing beyond that,” pahayag pa ni Bersamin.

Matatandaan na isa sa mga sundalo ang naputulan ng daliri nang umatake ang Chinese Coast Guard sa barko ng AFP.

Ayon kay Bersamin, inirekomenda ng council kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ianunsyo ang rotation at reprovision missions sa BRP Sierra Madre na mananatiling routinary at regular na naka-schedule.

Hindi aniya maikakaila na nanatili ang banta sa seguridad ng lagpas pa sa West Philippine Sea.

Kahapon ay pangalawang beses na nag-convene ang National Maritime Council na alinsunod na rin sa nilagdaan ni Pangulong Marcos at dahil na rin sa panibagong insidente ng pangha-harass ng China sa tropa ng AFP sa Ayungin shoal.

vuukle comment

AFP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with