^

Bansa

Bong Go sa LGU accountants, clerks: Laging gawin ang tama

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinimok ni Senator Christopher “Bong” Go  ang mga accountants at clerks ng mga local government unit na maglingkod nang may integridad at laging isapuso ang paggawa ng tama sa pangangasiwa sa kaban ng bayan.

Ginawa ni Go ang panawagan sa kanyang pagdalo sa ika-16 Mindanao Geographical Conference ng Philippine Association of Local Government Accountants (PHALGA) sa Mati City, Davao Oriental noong Miyerkules.

Inimbitahan bilang guest of honor at speaker, ang komperensya ay dinaluhan ng mga local accounting clerk, gayundin ng barangay, at mga opisyal ng Sangguniang Kabataan, karamihan ay mula sa rehiyon ng Min­danao.

“Ang inyong trabaho bilang mga tagapangasiwa ng kaban ng bayan ay mahalaga para sa pag-unlad ng ating komunidad,” ani Go.

Ikinuwento ni Go ang kanyang naging karanasan noong nagtatrabaho pa kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“Palagi kong naaalala ang bilin niya sa akin, ‘Do what is right. Sa bawat desisyon, ito ang nagsisilbing gabay ko. Patuloy itong nagbibigay inspirasyon sa akin, lalo na sa pagharap sa mga hamon ng serbisyo publiko,” ayon sa mambabatas.

Pinayuhan din niya ang mga kabataan, partikular ang mga opisyal at treasurer ng Sangguniang Kabataan na ipagpatuloy ang paglilingkod nang may integridad at tunay na malasakit sa bayan.

vuukle comment

CHRISTOPHER “BONG” GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with