^

Bansa

Mayor Alice Guo, miyembro ng sindikato – PAOCC

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Mayor Alice Guo, miyembro ng sindikato � PAOCC
Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo in this May 7, 2024
Facebook / Sen. Risa Hontiveros

MANILA, Philippines — “Miyembro ng sindikato ang suspindidong alkalde ng Bamban Tarlac na si Alice Guo.”

Ito ang sinabi ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) spokesman Winston John Casio sa panayam ng TV Patrol nitong Martes.

Ayon kay Casio, lumilitaw sa patuloy nilang pagsisiyasat na si Guo ay responsable sa iligal na operasyon ng Zun Yuan Technology Inc. sa Bamban at Lucky South 99 sa Porac, Pampanga na sinalakay mga awtoridad.

Sinabi ni Casio na ang dalawang POGO hubs ay pinaghihinalaang sangkot sa iba’t ibang criminal activities.

“Ang Bamban at saka Porac ang lagi naming sinasabi sila po ay dala­wang sanga ng iisang puno. So they belong to the same criminal organization. Mayor Alice is part of the same criminal organization that operated both Bamban and Porac,” ani Casio.

Bagamat dating incorporator ng Baofu compound si Guo kung saan nakatayo ang Zun Yuan Technology, naniniwala silang may ‘basbas’ at sangkot ito sa operasyon ng POGO hub.

Samantala, pinaalalahan naman ng PNP ang mga police officials sa pagtanggap ng mga donasyon mula sa ilang indibiduwal.

Ang paalala ay ginawa ni PNP Public Information Office chief Col. Jean Fajardo kasunod ng report na nag-donate si Guo ng ilang kagamitan sa Bamban Police Station noong hindi pa ito alkalde.

Ani Fajardo dapat na alamin ng mga pulis ang background ng isang donor.

vuukle comment

ALICE GUO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with