Pagbebenta ng P29 kada kilo ng bigas, aprub sa NFA
MANILA, Philippines — Inaprubahan na ng National Food Authority (NFA). ang pagbebenta ng luma pero maayos na rice buffer stocks sa halagang P29 kada kilo.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, ibebenta ang murang bigas sa mga KADIWA network.
Ayon kay Tiu, bagamat bahagyang mataas sa naunang presyo na P25 kada kilo, mas mura pa rin ito kumpara sa merkado.
“This program primarily aims to provide rice at an affordable price of P29 per kilo for the vulnerable sectors of society,” pahayag ni Tiu.
Ayon kay Tiu, maraming mahihirap na Filipino ang makikinabang sa ibebentang “Bigas 29.”
Kabilang aniya sa mga makikinabang ang mga persons with disabilities, solo parents, senior citizens at indigenous people, na bumubuo ng 6.9 million households o 34 million Filipinos.
Nasa 10 kilo ang maaaring mabili ng bawat benepisyaryo. Nangangahulugan ito ng 69,000 metric tons kada kilo.
Ayon kay Tiu, magsasagawa ng dry run ang programa sa mga piling KADIWA centers sa Hulyo.
- Latest