^

Bansa

ACT Agri-Kaagapay, namahagi ng relief goods sa mga biktima ng sunog sa Tondo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinangunahan ng Act Agri-Kaagapay organization ang pamamahagi ng daan-daang relief goods upang makatulong sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog na naganap sa Tondo, Manila kamakailan.

Mismong si civic leader at philanthropist Virginia Ledesma Rodriguez ang nanguna sa Act Agri-Kaagapay sa pagkakaloob ng mga relief packs sa mahigit 600 pamilya na nabiktima ng tatlong oras na sunog na tumupok sa nasa 100 tahanan sa Coral St., Tondo, Manila noong Hunyo 17, 2024.

Bawat benepisyaryong pamilya ay tumanggap ng mga groceries, bottled water, pagkain at mga gamot.

Sa naturang distribusyon ng relief goods, pinasalamatan din naman ni Rodriguez ang mga residente, Bureau of Fire Protection (BFP) at iba’t ibang fire volunteer brigades para sa kanilang agarang tugon at tulong sa pag-apula ng apoy.

Sa kasalukuyan ay nakikipag-ugnayan na rin si Rodriguez, na founder at pangulo ng Act Agri-Kaagapay organization, sa mga local government officials at sa National Housing Authority (NHA) upang i-assess ang pangangailangan ng mga pamilya na kuwalipikado sa housing assistance.

Nangako rin siya na magkakaloob ng livelihood assistance sa mga apektadong pamilya upang matulungan ang mga ito na makabangon mula sa kasalukuyang problemang kinakaharap dahil sa naganap na sunog.

vuukle comment

TONDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with