^

Bansa

Mayor Guo sumulat sa Malacañang: Patas na imbestigasyon hiling

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mayor Guo sumulat sa Malacañang: Patas na imbestigasyon hiling
Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo in this May 7, 2024
Facebook / Sen. Risa Hontiveros

MANILA, Philippines — Umapela ng patas na imbestigasyon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) si Bamban, Tarlac Mayor ­Alice Guo kaugnay na rin sa mga bintang laban sa kanya na pagkakasangkot sa POGO operations, money launde­ring, human trafficking, kidnapping at iba pang krimen na kinasasangkutan ng Baofu Land Development Inc.

Sa 7 pahinang liham na ipinadala ni Guo kay PAOCC Chairman at Executive Secretary Lucas Bersamin sa pamamagitan ng kanyang mga abogado na sina Atty. Yvette Gianan at Atty. Lorelie Santos ay ipinahayag nito ang kanyang kahandaan na makipagtulungan sa imbestigasyon subalit umapela ito na mabigyan siya ng “presumption of innocence” at hindi agad husgahan base sa mga negatibong isyung ipinupukol sa kanya na pawang walang ebidensya at walang katotohanan.

Giniit ni Guo na bagamat sya ang alkalde ng Bamban ay hindi tama na siya na ang sisihin at isangkot sa mga krimen na nangyayari.

Aniya, limitado lamang ang kanyang naging partisipasyon sa POGO sa Bamban sa pagbibigay ng business permit na siya namang mandato ng mga alkalde.

“Ang pagiging mayor ng isang bayan ay hindi awtomatikong nangangahulugan na ito ay maaa­ring protector, kasangkot o kasabwat sa lahat ng krimeng nangyayari sa kanyang nasasasakupan. Bagamat ang posisyon ng mayor ay may kaakibat na responsibilidad, hindi ito nangangahulugang lahat ng alegasyon ng illegal na gawain sa bayan ay may basbas at kaalaman ni Mayor,” nakasaad sa liham ni Guo.

Nanindigan si Guo na ang mga akusasyon laban sa kanya ay dapat patunayan ng mga konkretong ebidensya at hindi lamang batay sa haka-haka.

Ipinaliwanag din ni Guo kay Bersamin na walang katotohanan ang paratang na ang layunin ng pagkakatatag ng Baofu Land Development Inc. ay para sa money laundering at upang magpatayo ng isang POGO Hub sa Bamban.

Sinabi ni Guo na ang Baofu Land ay itinatag alinsunod sa batas ng Pilipinas at ito ay lehitimong nakarehistro ayon sa patuntunan ng Securities & Exchange Commission.

Wala rin basehan ang paratang na Conspiracy Theory. Hindi anya totoo ang naratibong sya ay tumakbo bilang Mayor ng Bamban upang protektahan ang Baofu Land.

Ipinangako ni Mayor Guo kay Bersamin ang kanyang buong kooperas­yon sa anumang proseso ng imbestigasyon at pagbibigay ng kinakailangang dokumento o pahayag upang linisin ang kanyang pangalan.

vuukle comment

MALACAñANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with