^

Bansa

Wala pang naaarestong mangingisdang Pinoy sa fishing ban ng China - BFAR

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Wala pang naaarestong mangingisdang Pinoy sa fishing ban ng China - BFAR
Local fisherfolk are happy upon receiving their fuel and food packs at the boundary of the municipal waters and the country’s Exclusive Economic Zone during the second civilian resupply mission to the West Philippine Sea on May 15, 2024.
STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Wala pang natatanggap na anumang report ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kung may mga mangingisdang naaresto kasunod ng deklarasyon ng unila­teral fishing ban ng China sa West Philippine Sea.

Sa Kapihan sa Bagong Pilipinas sa QC, sinabi ni BFAR Spokesperson Nazario Briguera na kung mayroon mang mangi­ngisda ang maha-harass o maaresto ng China ay ituturing itong panibagong  pag-uudyok at paglabag ng China sa international law, partikular ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Anya, patuloy na mangi­ngisda ang Pilipinas sa West Philippine Sea dahil parte ito ng exclusive economic zone ng bansa. Hindi rin aniya kinikilala ng bansa ang deklarasyong ito ng bansang China.

Pagdating naman sa produksyon ng isda, sinabi ng  BFAR na malaki ang kontribusyon ng WPS sa fishery sector gayunman hindi naman aniya ito maaapektuhan ng unila­teral declaration ng China.

vuukle comment

BFAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with