^

Bansa

DMW umaasang buhay pa ‘missing’ Pinoy sa Red Sea

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac na patuloy pang isasagawa ang paghahanap sa nawawalang seafarer at naniniwalang buhay pa ito, matapos ipaalam ng Philippine Embassy sa Athens.

Sinabi ni Cacdac na ang commitment ay ipinadala sa Philippine Embassy sa Athens sa ilalim ni Ambassador Giovanni Palec matapos makipagpulong sa shipping principal ng MV Tutor.

“The Philippine Embassy in Athens under Ambassador Giovanni Palec met with thew MV Tutor’s shipping principal, who informed Ambassador Palec, that search operations for our missing seafarer shall be undertaken as soon as the ship is taken to a safe port. Meanwhile we remain hopeful and are in touch with the family of the seafarer,” ayon sa official statement ng DMW.

Ang nasabing barko ay nananatili pa rin sa Red Sea, kung saan pinaniniwalaang na-trap doon ang nawawalang seafarer.

Sinabi pa ni Cacdac na naiintindihan nila ang sitwasyon na may matinding banta sa lokasyon ng barko kung kayat hindi pa naisasagawa ang search operation.

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng DMW sa pamilya ng missing seafarer.

“We remain hopeful and are in touch with the family of the missing seafarer,” ani Cacdac.

vuukle comment

DMW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with