^

Bansa

PBA legend Ildefonso pinuri si Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Adopted son ng Pangasinan, namahagi si Senator Christopher “Bong” Go ng suporta sa mga displaced workers sa Barangay Cabuloan sa Urdaneta City.

“Bilang inyong Mr. Malasakit, lagi ko pong uunahin ang kapakanan ninyo dahil ang bisyo ko ay ang magserbisyo.  Magtatrabaho po ako para sa Pilipino sa abot ng aking makakaya,” sabi ni Go.

Sa pakikipagtulungan kay PBA ­Legend at Cabuloan Brgy. Captain Danny Ildefonso, namigay ng tulong ang Malasakit Team ni Sen. Go sa 98  apektadong manggagawa sa barangay hall.

Sa suporta nina Go at Ildefonso, nagsagawa rin ng orientation ang Department of Labor and Employment (DOLE) bilang bahagi ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program para sa mga kwalipikadong benepisyaryo.

“Sabi ko, kakapalan ko mukha ko para sa barangay ko, para makatulong sa kababayan ko.  Hindi po ako napahiya at natupad ang pangarap ko na makausap po sya.  Sabi pa ni senator sa akin, ‘uy, idol!’ pero ang sabi ko kay Senator Bong Go, ‘Senator, ako po ang magsasabi na idol ko po kayo’ dahil idol ko siya sa pagtulong,” sabi ni Ildefonso na isa ring alamat ng Philippine Basketball Association (PBA).

“Di po nagtagal, andito na po kayo. Andito na po ‘yung tulong na hinihingi ko kay Senator Bong Go... Senator, ­maraming salamat sa inyo. Sana huwag kayong magsawa dahil maraming-marami kayong napapasaya at natutulungan,” idinagdag ni Ildefonso.

Binigyang-diin ni Go ang pangangailangang protektahan ang interes ng marginalized workers, partikular ang mga nasa rural na komunidad na nangangailangan ng mas maraming oportunidad sa trabaho.

Bilang tugon, isinulong ng senador ang Senate Bill No. 420 para mabigyan ng oportunidad sa trabaho ang mga kwalipikadong indibidwal mula sa mga pamilya sa kanayunan na mababa ang kita.

vuukle comment

DOLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with