^

Bansa

Pangulong Marcos: Tunay na diwa ng Kalayaan nasa bawat Pinoy na lumalaban ng patas

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos: Tunay na diwa ng Kalayaan nasa bawat Pinoy na lumalaban ng patas
President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. on June 12, 2024
STAR/Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Binigyang pagkikilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Filipino na lumalaban nang patas sa araw-araw ng kanilang buhay.

Sa kanyang mensahe sa ika-126 taon na pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan kahapon, sinabi ng Pangulo na ang pang-araw-araw na pakikibaka ng mga ordinaryong Filipino sa pagsubok at hamon ng buhay sa pamamagitan ng kanilang sipag, tapang at lakas ay nagbibigay ng inspirasyon.

“While the times may be different our struggles remain the same. Still we continue to witness the true spirit of freedom in every Filipino who fights fairly in their day-to-day lives,” ayon pa sa Pangulo na pinangunahan ang pagtataas ng watawat at wreath-laying ceremony sa bantayog ni Dr. Jose Rizal sa Luneta.

Binanggit din ng Pa­ngulo ang matatag na paniniwalang ang mga Filipino ay hindi kailanman magpapasakop sa pang-aapi.

“At bilang tagapagmana ng kalayaan na tinatamasa natin ngayon, tungkulin ng bawat isa sa atin na pangalagaan ito at tiyakin na hindi na tayo kailanman magpapatinag sa banta ng pananakot, pananakop at pang-aapi,” giit pa ng punong ehekutibo.

Tungkulin anya ng mga Filipino na pangalagaan ang ating kalayaan at huwag pasisiil sa mga banta at pagsubok na kinakaharap ng bansa.

“As we celebrate the founding of our nation today, let us dedicate ourselves to the challenging but rewarding task of rea­lizing the full potential of the Filipinos and building a Bagong Pilipinas—one that truly embodies the ideals of a just, progressive, and independent Republic,” pahayag niya.

Kinilala rin niya ang mga kasundaluhan sa katatagan sa pagbabantay sa teritoryo ng Pilipinas.

Kasama rin sa binigyang pugay ng Pangulo ang mga magsasaka at mangingisda na siyang nagbibigay ng pagkain sa mga Filipino gayundin ang dedikasyon ng mga guro na siya aniyang nagpapanday sa isipan ng mga susunod na henerasyon.

“A century and quarter have passed since we unshackled the chains of subjugation yet the fervor of nationalism persistently burns brightly in each of us today. We stand united as ever, upholding with pride the hard-earned liberty bequethed to us by our forebears,” saad ng Pangulo.

Dumalo rin sa pagtitipon sina First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos at mga anak nila na sina Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos at William Vincent Marcos.

Naroon din ang ilang diplomatikong opisyal mula sa ibang bansa kabilang sina Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian at US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with