^

Bansa

US sasaklolo sa Pinas - PCG

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Handa nang magpadala ang United States Coast Guard (USCG) ng mga kagamitan sa South China Sea upang ipakita ang kanilang suporta sa Pilipinas na patuloy na ipinaglalaban ang karapatan sa exclusive economic zone.

Sa inilabas na pahayag ng PCG, nakasaad na idedeploy ng USCG ang kanilang North Pacific Coast Guard bunsod na rin ng kahilingan ni Admiral Ronnie Gil Gavan para sa mas malaking deployment sa South China Sea bilang paghahanda sa banta ng China na aarestuhin ang sinumang tresspassing dito.

Ayon kay Gavan, ang kanyang panukala ay hindi lamang para sa Estados Unidos kundi maging para rin sa Japan Coast Guard (JCG).

“I’d like to propose greater deployment in the high seas. We will do our part, but we also need you to be there to maintain rules-based order the way Coast Guards should play their role,” ani Gavan.

Kinumpirma naman ni USCG Commandant Admiral Linda Fagan ang kanyang pakikipagpulong kay Gavan at kay JCG Vice Admiral Seguchi Yoshio.

Binigyan diin nito na malaki ang partisipasyon ng maritime law enforcement agencies sa Asia-Pacific region sa mas lumalalang ‘central geopolitical role’.

Dagdag pa ni Fagan na dapat magpakita ng propesyonalismo ang mga bansa bilang suporta maritime governance na posibleng makaapekto sa ekonomiya at seguridad.

vuukle comment

UNITED STATES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with