Bong Go umayuda sa mga nasalanta ni Aghon sa Lucena City
MANILA, Philippines — Kasunod ng pananalasa ng Bagyong Aghon sa lalawigan ng Quezon, imbes unahin ang imbitasyon na paglahok sa makulay na Pasayahan Festival, nagtungo muna si Senator Christopher “Bong” Go sa mga nasalantang residente ng Bagyong Aghon sa Lucena City para tulungan ang mga ito.
Noong Martes, pinuntahan ng Malasakit Team ni Go ang mga pinakasinalantang lugar sa lungsod, bitbit hindi lamang ginhawa kundi pati na ang malalim na pakikiramay sa kalungkutan ng mga residente.
“Namigay tayo ng tulong sa 500 pamilyang apektado ng pagbaha dulot ng bagyong Aghon sa Lucena City, Quezon. Nakiramay rin tayo sa namatayan doon at nagbigay ng kaunting tulong sa kanila. Nakisama rin kami sa kanilang Pasayahan Festival sa araw na iyon sa aming pagnanais na mag-iwan ng ngiti sa oras ng kanilang pagdadalamhati,” ibinahagi ni Go.
Personal na binisita ng team ni Go ang mga nagdadalamhating pamilya, ipinaabot ang kanyang simpatiya at suportang pinansyal upang matulungan silang makabangon sa krisis.
Ang dalawang pamilya na nasalanta ng pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay, ay nakatanggap sa Malasakit Team ng moral at materyal na suporta.
Labis na naantig sa kalagayan ng mga pamilya, binigyang-diin ni Go ang kahalagahan ng suporta ng komunidad at pamahalaan sa mga hindi inaasahang sakuna.
- Latest