^

Bansa

Eastern Visayas farmers nakatanggap ng land titles

Philstar.com
Eastern Visayas farmers nakatanggap ng land titles
Kuha ng isang magsasaka at ang kanyang ani.
STAR/Edd Gumban, file

MANILA, Philippines – Isang 77-anyos na magsasaka sa Catbalogan City, Samar ay lubos ang pasasalamat matapos ipagkaloob sa kanya sa wakas ang agricultural land na kanyang sinasaka sa loob ng mahigit 32 taon.

Si Francisco Asuncion ng Catbalogan City ay isa lamang sa mahigit 5,000 Agrarian Reform beneficiaries sa Eastern Visayas na tumanggap ng land titles mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. 

Sa distribution ng mga titulo ay pinasalamatan ni Asuncion ang gobyerno sa pagkakaloob ng lupa sa mga landless farmers at iba’t ibang serbisyo upang palakasin ang kanilang produksiyon.

Kinilala rin ni Roque Meronio, isang 52-year-old farmer na tumanggap din ng land title, ang mga pagsisikap ng administrasyon na maghatid ng kaunlaran sa lalawigan sa pamamagitan ng mas malakas na public infrastructure.

Ibinahagi ni Meronio na ang natapos na uni-bridge projects sa Brgy. Sigo sa Barral II, Calbayog City ay nakatutulong sa komunidad, partikular sa paghahatid ng agricultural products at sa mga taong may sakit. 

Itinurnover ni Presidente Marcos ang apat na natapos na PBBM bridges (Pang-Agraryong Tulay para sa Bagong Bayanihan ng mga Magsasaka) sa Southern Leyte, Calbayog City, at Eastern Samar na may kabuuang budget na P78.172 million.

Sinamahan din ni Eastern Samar Vice Governor Maricar Sison-Goteesan ang mga magsasaka sa pagpapahayag ng kanilang pasasalamat sa Pangulo, gayundin kay Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III sa pagkakaloob sa mga magsasaka ng pagkakataon na mapasakanila ang mga lupang ilang taon na nilang sinasaka.

Hinikayat din niya ang Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) na pahalagahan ang oportunidad na ipinagkaloob ng pamahalaan.

Bukod sa pamamahagi ng land titles, pinangunahan din ni Presidente Marcos ang distribusyon ng P509.45 million na halaga ng support services intervention sa ARB organizations at communities tulad ng farm-to-market roads, PBBM bridges, irrigation projects at farm machineries. 

Gayundin ay sinabi ng Pangulo na itinatayo ang farm-to-market roads sa Cabarasan Daku-San Agustin at San Agustin-Cangumbang kapwa sa Palo, Leyte, Brgy. Kawayan-Sto. Niño at Crossing San Roque-Sitio Kulapniton, sa Tacloban City.

Idinagdag pa ni Marcos na nagkaloob din ang pamahalaan ng mahigit 2,000 machineries at iba pang kagamitan na nagkakahalaga ng P10.28 million sa 1,694 benepisyaryo sa Eastern Visayas.

“Dagdag po pa rito, sinisiguro ng DAR na may pautang pang-agrikultura na maaaring lapitan ng ating mga magsasaka para makapagsimula ng maliit na negosyo at mapaunlad ang kanilang kabuhayan,” sabi ni Marcos.

vuukle comment

AGRICULTURE

FARMERS

LAND REFORM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with