^

Bansa

Marcos: P20 milyong ayuda sa magsasaka, mangingisda na apektado ng El Niño

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Marcos: P20 milyong ayuda sa magsasaka, mangingisda na apektado ng El Niño
President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. leads the distribution of presidential assistance to farmers, fisherfolk, and families at Barangay Tubig-Mampallam in Municipality of Bongao, Tawi-Tawi on May 23, 2024.
STAR/ KJ Rosales

MANILA, Philippines — Personal na ipinamahagi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mahigit P20 milyon na tulong pinansyal sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng El Niño sa mga lalawigan ng Tawi-Tawi at Basilan, nitong Huwebes.

Iniabot ni Pangulong Marcos ang tseke na tig-P10 milyon na tulong kina Tawi-Tawi Governor Yshmael Sali at Basilan Governor Hadjiman Salliman-Hataman habang ang mga magsasaka at mangingisda ay tumanggap ng tig-P10,000.

Sa kanyang talumpati sa pamamahagi ng tulong, sinabi ni Pangulong Marcos na isinailalim sa state of calamity ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) dahil sa El Niño.

“Nais kong ipaalam sa inyo na nagsisikap ang inyong pamahalaan upang mabawasan ang epekto nito sa ating pang araw-araw na buhay,” ayon kay Pangulong Marcos. “Saksi ako sa sipag at galing ninyo. Kaya asahan ninyo patuloy kaming magsisikap upang maibigay sa inyo ang nararapat na serbisyo at alaga upang makamit ninyo ang inyong mga pangarap sa buhay,” aniya sa harap ng mga tao sa DepEd compound sa Bongao, Tawi-tawi.

Humigit-kumulang 80 miyembro ng House of Re­presentatives sa pangunguna ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang nakiisa rin sa Pangulo na kasabay din ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, isang programa na nagdadala ng mga serbisyo at tulong sa mga ­marginalized na komunidad sa buong bansa.

Nagpahayag ng pasasalamat si Pangulong Marcos sa mga magsasaka, mangingisda at kanilang mga pamilya sa kanilang sakripisyo para matiyak ang food security sa bansa.

Namahagi rin ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P10,000 bawat isa sa 10,000 benepisyaryo na binubuo ng mga magsasaka, mangingisda, at kanilang mga pamilya.

Ang Office of the House Speaker naman ay namahagi ng limang kilo ng bigas sa bawat dumalo. Kabilang sa iba pang mga kalahok na ahensya ang Department of Trade and Industry (DTI), Department of Labor and Employment (DOLE), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at Department of Agriculture (DA).

FERDINAND R. MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with