^

Bansa

China nagpadala ng 30 barko sa Scarborough Shoal

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
China nagpadala ng 30 barko sa Scarborough Shoal
Naghahanda na ang mga mangingisda sa Subic, Zambales para sa second mission ng Atin Ito Coalition na magla ­ layag ngayon patungon g Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal) para maghatid ng petrolyo at iba pang suplay sa mga mangingisda roon.
CTTO

Civilian mission sa West Philippine Sea, haharangin

MANILA, Philippines — Nagpadala na ang China ng apat na malalaking barko ng China Coast Guard (CCG) at 26 maritime militia upang harangin ang civilian mission convoy na nagpa-planong maglayag sa Scarborough Shoal upang maglagay ng mga boya sa nasabing teritoryo sa darating na May 15-17.

Ito ang nabatid nitong Lunes ni Ray Po­well, Director of SeaLight (Maritime Monitoring) sa mensaheng ipinoste nito sa X (dating Twitter) kung saan plano ng CCG at Chinese maritime militias na harangin ang tinata­yang dalawang malala­king bangka ng Atin Ito Coalition at 1,000 pang mga bangka ng mga ­mangingisda na nakiisa sa nasabing misyon.

“China is sending a huge force to blockade Scarborough Shoal ahead of the Atin Ito civilian convoy setting sail from the Philippines Tuesday,” saad ni Powell, pinuno ng isang programa ng Stanford University’s Gordian Knot Center for National Security Innovation na nagmomonitor sa mga aktibidades ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Inihayag ni Powell na ito ang pinakamalaking blockade ng China sa Scarborough Shoal kung saan agresibo nitong ­inaagaw sa Pilipinas ang Scarborough Shoal na nasa 124 milya lamang ang layo sa Masinloc, Zambales.

Ayon naman kay Rafaela David, co- Convenor ng Atin Ito Coalition na walang atrasan at tuloy ang kanilang paglalayag patungo sa Scarborough Shoal sa kabila ng presensiya ng mga barko ng China sa naturang teri­toryo. Ang mga orga­nizers ng volunteer convoy ay magdadala naman ng pagkain at fuel sa mga mangingisdang Pinoy sa Bajo de Masinloc.

Nabatid na ito ang ikalawang pagkakataon na maglalayag ang Atin Ito patungong ­Scarborough Shoal upang igiit ang karapatan ng mga Pilipino sa soberenya.

vuukle comment

SCARBOROUGH SHOAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with