^

Bansa

Crime rate bumaba – Malacañang

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Crime rate bumaba � Malacañang
Manila Police District director Col. Arnold Thomas Ibay inspects the vicinity of Quiapo Church in Manila on December 6, 2023.
STAR / Edd Gumban

MANILA, Philippines — Ipinagmalaki ng administrasyon ang makabuluhang pagbaba ng crime rate sa bansa sa loob ng 21 buwan na panunungkulan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ang iniulat ni Interior and Local Government Secretary at National Peace and Order Council Chairperson (NPOC) Benhur Abalos sa ginanap na Regional Peace and Order Council Meeting sa Malakanyang.

Ayon kay Abalos, malaki ang inimprove ng peace and order situation sa bansa na mas mababang index crime volume sa 196,519 mula pre-pandemic period ng July 1,2016 hanggang Abril 21,2018 na 71,544 mula July 1,2022 hanggang Abril 21,2024.

Habang bumaba rin ang peace and order indicator sa katulad na panahon mula 531,917 mula Hulyo 1,2016 hanggang Abril 21,2018 kumpara sa 371,801 mula Hulyo 1,2022 hanggang Abril 21,2024.

Bumaba rin ang ave­rage na buwanang crime rate mula sa katulad na panahon mula sa 21.92 sa 15.04.

Sa kabilang banda, bumaba rin ang focus crimes tulad ng theft, physical injury, robbery, rape, murder, carnapping, at homicide mula sa 196,420 sa 71,133 o 63.79% na binaba.

Samantala, ang non-index crime volume ay bumaba rin mula sa 345,398 ng July 1, 2016 hanggang April 21, 2018 sa 300,257 mula July 1, 2022 hanggang April 21, 2024.

Sinabi pa ni Abalos na nakapagtala ang pulisya ng 98.88% ng kabuuang crime clearance efficiency mula January 1, 2023 hanggang March 31, 2024, na 0.32% na mas mataas sa crime clearance efficiency report mula Oktubre 2021 hanggang Disyembre 2022.

Nakapagtala rin ang PNP ng 82,69% ng kabuuang crime solution efficiency mula January 1, 2023 hanggang March 31, 2024, na 0.62% mataas kumpara sa bilang na naireport mula Oktubre 2021 hanggang Disyembre 2022.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with