^

Bansa

Bong Go: Good governance, simulan sa barangay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binigyang-diin ni Senator Christopher “Bong” Go ang kritikal na papel ng transpa­rency, accountability, at inclusivity sa pagsusulong ng good governance na dapat simulan sa barangay level.

Ginawa ng senador ang pahayag sa kanyang pagdalo sa 1st Provincial Congress ng Liga ng mga Barangay-Catanduanes Chapter na ginanap sa Royce Hotel sa Clark Freeport Zone, Pampanga noong Martes.

May temang “Transpa­rency, Accountability, and Inclusivity: Paving the Way for Good Governance,” layon nitong bigyan ng mahalagang kasanayan at kaalaman ang mga lokal na pinuno, kabilang ang mga barangay captain, kagawad, secretary, treasurers, at Sangguniang Kabataan (SK) sa paghahatid ng serbisyo-publiko sa kani-kanilang komunidad.

Sa pagharap sa mga opisyal at manggagawa ng barangay, inihayag ni Go ang kanyang suporta sa mga patakarang naglalayong mapabuti ang kanilang kapakanan bilang mga pangunahing frontliner ng gobyerno.

“Kayo ang unang tinatakbuhan ng ating mga kababayan. Kayo ang tulay nila para makarating ang mga hinaing nila sa amin at kritikal ang inyong papel sa pagtataguyod ng kapakanan ng bawat isa,” ani Go.

Sa kanyang talumpati, binanggit ni Go ang kanyang inihain na Senate Bill 197, o ang Magna Carta for Barangay. Sa panukala, ang mga opisyal ng barangay, kabilang ang punong barangay, mga miyembro ng Sangguniang Barangay, SK chairperson, barangay secretary, at barangay treasurer, ay tatanggap ng katulad na pagtrato bilang mga regular na empleyado ng gobyerno.

Nangangahulugan ito na sila ay tatanggap ng suweldo, benepisyo, at allowance, bukod sa iba pang perks kung ito ay magiging batas.

Isinusulong din ng senador ang SBN 427, o ang Barangay Health Workers Benefits Act.

Kung maisasabatas, bibigyan ang mga BHW ng buwanang honorarium, kasama ang komprehensibong pakete ng benepisyo, allowance, security of tenure, regular na pagsasanay, at pagkakataon umunlad ang kasanayan.

SENATOR CHRISTOPHER “BONG” GO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with