^

Bansa

NFA rice distribution iginiit para sa mga magsasakang apektado ng El Niño

James Relativo - Philstar.com
NFA rice distribution iginiit para sa mga magsasakang apektado ng El Niño
Protesta ng Amihan National Federation of Peasant Women at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas sa harap ng National Food Authority para sa agarang pamamahagi ng NFA rice stocks sa El Niño-affected farmers at fishers, ika-3 ng Abril, 2024
Released/AMIHAN - National Federation of Peasant Women

MANILA, Philippines — Suportado ng ilang progresibong grupo ang pamamahagi ng bigas mula sa National Food Administration (NFA) bilang ayuda sa mga magsasaka't mangingisdang apektado ng El Niño — bagay na nagdulot na ng P1.23 bilyong halagang pinsala.

Ito ang panawagan sa ngayon ng grupong AMIHAN - National Federation of Peasant Women, Bantay Bigas at National Network of Agrarian Reform Advocates-Youth (NNARA-Youth) ngayong Miyerkules, bagay na pare-paaarehong nagprotesta sa tarangkahan ng NFA.

"Dapat nang ilabas ang mga bigas ng NFA sa mga warehouse at ipamahagi sa mga magsasaka at mangingisdang nawalan ng kita dahil sa El Niño sa halip na pagkakitaan at ibenta sa mga pribadong trader," ani Cathy Estavillo, secretary general ng AMIHAN at tagapagsalita ng Bantay Bigas.

"Marami na ang dumadaing sa gutom at pagkalugi kaya dapat paspasan ang pamimigay ng ayuda at kompensasyon."

Ngayong araw lang lang nang iulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang lagpas bilyong halagang pinsala ng El Niño sa sektor ng agrikultura.

Sinasabing nasa 29,409 magsasaka't mangingisda na ang nasalanta dahil sa mataas na tiyansa ng below-normal rainfall conditions, bagay na nagdadala ng negatibong epekto sa kabuhayan.

Kasama sa mga napinsala nito ang mahigit 26,731 hektarya ng sakahan: lagpas 2,815 ektarya rito ay wala na aniyang pag-asang maka-recover.

"El Niño is a climate crisis. The response should be immediate and comprehensive, with short-term and long-term relief and rehabilitation efforts. What we have seen so far are the usual government programs already in place before the calamity such as credit assistance, insurance claims and a meager financial assistance," dagdag pa ni Estavillo.

"The government should also prioritize the development of irrigation systems and irrigation in water resources allocation. The management of dams and hydroelectric power plants should be regularized to ensure that it would also benefit agricultural production."

'Bentahan ng buffer stocks' nasilip

Kinastigo rin ng Amihan ang diumano'y kawalan ng update sa anim na buwang suspensyong ipinataw ng Office of the Ombudsman sa 134 empleyado at opisyales ng NFA, na diumano'y pinararatangan ng pagbebenta ng 75,000 sako ng rice buffer stocks sa halagang P93.75 milyon.

Una nang pinuna ng COURAGE, isa pang progresibong grupo ng mga empleyado sa gobyerno, ang kakulangan ng imbestigasyon sa mga nabanggit lalo na't ilan sa mga pinarusahan ay patay na o retirado.

Gayunpaman, sinabi ni Judy ng NNARA Youth na hindi makatarungan ng paag-iimbak ng NFA ng napakaraming bigas habang nagkakanda-lugi't nagugutom ang mga magsasaka.

"Maling-mali ang iligal na pagbenta ng NFA ng 75,000 kaban ng palay sa mga trader samantalang pinapabayaan nito ang mga magsasakang apektado ng El Niño," wika ni Bola.

"Ang kawalan ng kagyat na kompensasyon at ayuda para sa nga biktima ng El Niño ay nakakaapekto rin sa kakayahan ng mga pamilya ng magsasaka na tustusan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain at edukasyon ng mga anak ng magsasaka."

Nakikiisa aniya ang mga kabataan sa laban ng magbubukid na magkaroon ng kagyat na kompensasyon at ayuda sa gitna ng El Niño.

Dagdag pa ng NNARA Youth, ang "kapabayaang" ginagawa raw sa ngayon ng gobyerno ay hindi lamang nagtatapos sa agrikultura ngunit pati na rin sa seguridad sa pagkain ng bawat Pilipino.

AGRICULTURE

AID

COMPENSATION

EL NINO

FARMERS

FISHERFOLK

NATIONAL FOOD AUTHORITY

NFA RICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with