^

Bansa

Lotto bettor na '20 beses nanalo sa iisang buwan' hindi jackpot winner — PCSO

James Relativo - Philstar.com
Lotto bettor na '20 beses nanalo sa iisang buwan' hindi jackpot winner — PCSO
Residents line up to place their bets at a lotto outlet along Paz and San Antonio Streets in Paco, Manila on January 22, 2024.
The STAR/Ernie Penaredondo, File

MANILA, Philippines — Tiniyak ng pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na "hindi jackpot winner" ang paulit-ulit na kumubra sa kanila ng papremyo sa iisang buwan, lalo na't pwede lang daw itong mangyari sa "lower-tier games."

Ito ang inilinaw ni PCSO general manager Mel Robles sa panayam ng GMA News matapos ibulgar ni Sen. Raffy Tulfo na nakapangalan sa iisang tao ang naturang winning lotto tickets batay mismo sa listahang ibinigay ng tanggapan.

"Wala pong nanalo ng 20 jackpot games in one month. Pero maaaring ang isang tao ay mag-claim nang 20 times, or even more, sa ibang games namin," ani Robles ngayong Miyerkules.

"Hindi lang po jackpot ang games namin eh. Merong kaming 2D, 3D, 4D, 6D. 'Yung mga lower tier games."

Una nang pinaiimbestigahan ni Tulfo kung nagkakaroon ng sa lotto games ng PCSO sa dahil sa paglobo ng mga tumatama sa multi-million jackpot prizes nitong mga nagdaang buwan, bukod pa sa pag-edit ng ahensya sa litrato ng mga nananalo.

'Claimant maaaring hindi ang winner'

Ang mga papremyong P10,000 pababa ay maaaring i-claim sa mga authorized lotto outlet o 'di kaya'y sa PCSO branch offices. Sa kabilang banda, tanging sa PCSO Main Office lang sa Mandaluyong maaaring kubrahin ang mas matataas na prizes.

Dahil sa ganitong siste, nangyayari rin daw na ang kumukuha ng papremyo ay hindi ang mismong bumili ng winning ticket lalo na para sa mga nananalong nakatira sa probinsya.

"Ang ginagawa ng iba, makikisabay na lang sa may-ari ng outlet, 'Uy, paki [sabay] naman.' Siguro at a discount maybe, or 'Oy, ibawas mo na pamasahe mo [sa papremyo],'" dagdag pa ni Robles.

"Kasi 'yung mga iba walang ID, kasi 'yung iba [ay] physically hindi kaya. So these are regular. Bago pa ako dumating, ganayan na talaga ang practice noon. Paki-claim... 'Yung claimant ng winning ticket is not necessarily the winner [for lower-tier games]."

"'Yung jackpot, personally ka pupunta sa PCSO [main office]... Posibleng 20 times [pareho] 'yung nag-claim [sa lower-tier], or even more... Parang paid to cash na tseke 'yan eh. 'Pag hawak mo, iyo 'yan eh." 

Lumabas din daw sa pagsisiyasat ng PCSO na may mga outlet owner na ganito ang gawi, bagay na iprepresenta naman daw nina Robles kung kailanganin ng imbestigasyon.

Ang ilang outlet owners pa nga raw, regular itong ginagawa para sa mga pang-araw-araw na nananalo sa lower-tier games.

Una nang ipinayo ni Sen. Imee Marcos na isuspindi muna ang draws habang hindi pa tapos ang mga imbestigasyon sa nangyari.

Ilang linggo pa lang ang nakalilipas nang masangkot uli sa kontrobersiya ang PCSO matapos magkaroon ng "glitch" sa lotto draw habang umeere.

LOTTERY

LOTTO

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

RAFFY TULFO

SENATE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with