^

Bansa

Apex Mining nais paimbestigahan dahil sa 'deadly' Davao landslide

James Relativo - Philstar.com
Apex Mining nais paimbestigahan dahil sa 'deadly' Davao landslide
In this handout photo from the Eastern Mindanao Command, Armed Forces of the Philippines (AFP) taken on February 7, 2024 and received on February 8, 2024, shows responders conduct search and rescue operations in Maco, Davao de Oro. At least 11 people were injured when a rain-induced landslide buried two buses picking up workers from a gold mine in the southern Philippines, officials said. Rescuers used their bare hands and shovels to dig through mud on February 8 in a desperate search for survivors of a landslide in the Philippines as the death toll rose to 10, officials said.
Handout / Armed Forces of the Philippines' Eastern Mindanao Command / AFP

MANILA, Philippines — Iginigiit ngayon ng grupong Kilusang Mayo Uno (KMU) na maimbestigahan ang isang malaking kumpanya ng mina matapos ang pagguho ng lupang ikinamatay nang lagpas isang dosena at ikinawala ng higit 100.

Biyernes nang tanghali nang mabalitang umabot na sa 15 katao ang namamatay sa insidente sa Maco, Davao de Oro. Maliiban pa ito sa 110 kataong nawawala. Ang ilan sa mga biktima ay manggagawa ng Apex Mining Corp.

"Kailangang malaman ng mamamayan kung ano eksakto ang kinalaman nitong mapanirang mga mina na nagdudulot ng malubhang epekto sa buhay, kaligtasan at kabuhayan ng ating mga kababayan," ani KMU secretary general Jerome Adonis.

"Kailangang tanungin: paano pinangangalagaan ng kumpanya ang manggagawa papasok, habang at pauwi mula sa trabaho?"

Una nang naibalitang kasama sa mga nadisgrasya ng landslide ang dalawang bus na puno ng trabahador ng Apex Mining. Bago ito, walang patid ang pag-ulan sa lugar.

Ilang araw pa lang nang tamaan ng kaliwa't kanang landslide at pagbaha ang Davao Region, CARAGA, atbp. bahagi ng Mindanao dahil sa epekto ng Hanging Amihan at trough ng low pressure area. Umabot na sa 20 ang patay dito.

Nananawagan din ngayon ang KMU ng agarang suporta sa mga naulilang pamilya, pati na sa mga sugatan. Dapat din aniya agarang maamyendahan ang Occupational Safety and Health Law para maparusahan ang mga nagsusuong sa mga manggagawa sa peligro.

"Bare minimum po ang suporta na ito. Sana naman po ay maibigay ito nang maayos at mabilis sa mga nabiktima. Unang hakbang ito sa hustisya na ipaglalaban nating makamit ng lahat," dagdag pa ni Adonis habang itinutulak ang pagsasara ng mga open-pit mining.

"Dapat bulatlatin rin ang mga patakaran ng gobyerno na nagpapahintulot sa mga ganitong tipo ng mining operations. Mahaba na ang rekord ng mga kaparehong insidente pero walang napapanagot, laging dehado ang ating mga kababayang manggagawa sa minahan, at mga mamamayan sa komunidad."

'Nangyari sa labas ng minahan'

Miyerkules lang nang maglabas ng pahayag ang Apex Mining tungkol sa landslide sa Brgy. Masara na nangyari nitong Martes, ito habang idinidiin ang tuloy-tuloy na pag-ulan sa huling dalawang linggo.

"The area where the slide happened is outside the mine operations area of the Company but is used as a vehicle terminal for buses and jeepneys servicing the employees, its service providers and members of the community," sabi ng kumpanya.

"The Company is focused on fully supporting the rescue operations of the local government units by providing equipment, manpower and food supplies to affected residents, including our employees. The Company is on limited operations while it provides resources to the rescue operations."

vuukle comment

APEX MINING

DAVAO DE ORO

KILUSANG MAYO UNO

LANDSLIDE

MACO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with