PSA: Pag-angat ng ekonomiya mabagal sa 5.6 percent noong 2023
MANILA, Philippines — Mabagal ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa na nagtala ng 5.6 percent noong October hanggang December 2023, batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) kahapon.
Ayon kay PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, mas mababa ito sa 7.1 percent growth rate noong 2022 sa kaparehong period o sa 7.6 percent full-year 2022 GDP growth.
Sinabi ni Mapa na ang 5.6 percent GDP growth rate ng bansa noong 2023 ay mababa ng 6-7%na government’s target range para sa full-year GDP growth ng 2023.
Ayon sa NEDA, inaasahan nila ang 6.5-7.5 percent growth rate ngayong 2024.
- Latest