^

Bansa

Marcos Jr. hindi natiis Coldplay concert dahil 'music lover,' tikom sa batikos

James Relativo - Philstar.com
Marcos Jr. hindi natiis Coldplay concert dahil 'music lover,' tikom sa batikos
Composite photo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. (kaliwa) at bandang Coldplay (kanan) habang tumutugtog sa Pilipinas
Video grab mula sa Youtube user na si @newmediapublisher; Released/Philippine Concerts;

MANILA, Philippines —  Masayang ibinalita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panonood niya ng bandang Coldplay nitong Biyernes, ito'y kahit nabatikos sa paggamit ng presidential chopper para sa personal na hayahay habang no. 1 sa global traffic ang Metro Manila.

"Siguro, by now, alam na ninyo na music lover talaga ako. I have been for a long time, I have studied music for many years. And to have somebody like Coldplay, unmissable dapat ‘yun, cannot miss," wika niya sa state-run media nitong Martes.

"By the way, it was fantastic. It was great. You can ask anybody who attended the concert, ibang klase. Hindi na ‘yung concert na pinupuntahan namin dati."

Biyernes nang manggalaiti ang maraming netizens matapos lumipad ni Bongbong sa Philippine Arena, Bulacan para sa konsiyerto ng British rock band gamit ang presidential helicopter, kahit na wala itong kinalaman sa trabaho ng presidente. 

Dismayado rin ang Filipino commuters lalo na't insensitive daw ito sa araw-araw na danas ngkaraniwang Pinoy na humaharap sa "pinakamatinding metro traffic sa buong mundo," ayon sa pag-aaral ng transportation data company TomTom Traffic.

Matatandaang pinuna ni Chris Martin, bokalista ng Coldplay, ang aniya'y "world class" traffic ng Pilipinas habang nasa concert. Napatawa na lang si Bongbong habang sinasabi ito ng British singer.

Maliban kay Bongbong, kasama ring nanuod ng konsyerto si First Lady Liza Araneta-Marcos at anak nilang si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos.

Una nang ipinagtanggol ng Presidential Security Command (PSC) ang paggamit ni Marcos Jr. ng helicopter dahil na rin sa 40,000 concertgoers na magdudulot ng traffic, bagay na "potential threat" daw sa pangulo.

Ilang kritiko na ang nagsabing hindi na lang dapat pumunta ang pangulo kung may banta sa seguridad, lalo na't "buwis ng taumbayan" ang gamit para sa chopper use.

vuukle comment

BONGBONG MARCOS

COLDPLAY

MUSIC

TRAFFIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with