^

Bansa

Bagong PFP officials, umapela ng suporta sa national officers

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Humihiling ng suporta ang bagong mga opisyal ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa national officer bunsod na nangyaring Constitutional crisis at leadership vacuum sa kanilang grupo.

Sa sulat ni PFP national president at dating Ca­tanduanes Gov. Leandro B. Verceles Jr., kay Special Assistant to the President Antonio F. Lagdameo, sinabi nitong nagbotohan sila alinsunod sa kanilang party Constitution at By-Laws (CBL) at Revised Corporation Code, nang matapos ang dalawang taong termino noong Setyembre 18, 2023 nina Reynaldo S. Tamayo Jr., bilang national president; Thompson C Lantion, secretary general at Atty. George S. Briones, general counsel na mga naunang national officers. Si Lagda­meo ay siya ring national executive vice president ng PFP.

Subalit ayon sa mga bagong halal na kanilang kahalili, inilihim umano ng tatlo ang bagay na ito at umano’y nais pa ang tuluy-tuloy nilang panunungkulan sa partido.

Ito ang dahilan kung bakit umano nagkaroon ng krisis sa pamunuan at naganap ang reorganisasyon at paghalal ng bagong mga opisyales sa pangunguna ni Verceles.

Sa hiwalay na liham kay PFP national chairman President Ferdinand Marcos nina Verceles; Antonio C. Rodriguez bagong PFP national secretary-general at Engr. Antonio Marfori national treasurer, kanilang inilatag na anumang aksiyon nina Tamayo, Lantion at Briones na may kinalaman sa partido ay maituturing ng “null and void.

OFFICIAL

PFP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with