^

Bansa

Traslacion 2024 nag-iwan ng 158 trak ng basura, matindi pa kaysa pre-pandemic

James Relativo - Philstar.com
Traslacion 2024 nag-iwan ng 158 trak ng basura, matindi pa kaysa pre-pandemic
Makikitang naglilinis ng basura ang EcoWaste Coalition volunteers mula Capulong, Tondo, Manila sa Luneta Park matapos ang Traslacion 2024
Released/EcoWaste Coalition

MANILA, Philippines — Napuno ang halos 160 trak ng basura matapos ikasa ang pinakahuling kapistahan ng Itim na Nazareno ngayong 2024 — mas mataas pa kaysa noong 2020, ang huling aktwal na Traslacion bago magsimula ang COVID-19 pandemic.

Ito ang datos na ibinalita ng Department of Public Services (DPS) ng pamahalaang Lungsod ng Maynila ngayong Miyerkules. 

"The total volume of garbage collected during the celebration of the Black Nazarene from January 6 to 10, 2024 has increased significantly as compared with the garbage collected from the past previous years," wika ng DPS sa isang pahayag kanina. 

"A total of 158 truckloads and a volume of 486 metric tons was collected for the year 2024."

Matatandaang sinuspindi ang pisikal na Traslacion matapos pumasok ang nakamamatay na COVID-19, lockdowns at health protocols matapos ito. 

Narito ang dami ng basurang nakolekta ngayong 2024 kumpara nitong mga nakaraang taon:

  • 88 na trak, 394 metric tons (2020) 
  • 57 na trak, 196 metric tons (2021) 
  • 43 na trak, 130 metric tons (2022) 
  • 99 na trak, 265 metric tons (2023) 
  • 158 na trak, 486 metric tons (2024) 

Iniuugnay ng Lungsod ng Maynila ang paglobo ng basurang nakalap dahil sa aktwal na TraslacionTraslacion mula Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church na siyang dinaluhan ng 6.5 milyong debotong Katoliko — mas mataas sa inaasahang 2 milyon. 

Marami ang deboto ng Nuestro Padre Jesus Nazareno at pinaniniwalaang milagroso ng imahen nito ng mga namamanata, dahilan para naisin nang marami na makalapit dito. Aniya, kaya nitong makapagpagaling ng sari-saring sakit. 

'Nakakalungkot'

Dismayado tuloy ang ilang grupo lalo na't tila nagiging mailap ang pangarap nilang makamtan ang malinis na pagdiriwang ng pista. 

"Nakamamangha ang ipinapakitang debosyon at pagsasakripisyo ng mga deboto ng Mahal na Poong Nazareno. Tunay na walang kupas ang kanilang nag-aalab na pananalig," ani Ochie Tolentino, Zero Waste Campaigner ng EcoWaste Coalition.

"Sa kabilang banda ay labis na nakalulungkot ang sangkaterbang basura na naiwan sa Luneta at sa lansangan ng Quiapo na tila pagpapakita ng kakulangan sa pagrespeto sa kapwa tao at kay Inang Kalikasan."

 

 

Aniya, nakakolekta ng sandamakmak na basura ang DPS, Metro Manila Development Authority (MMDA), at volunteers ng EcoWaste Coalition sa Rizal Park kahit na nagpapatupad ng "clean as you go" policy sa pinagdausan " Pahalik."

Ilan sa mga nakolekta ay mga single-use plastic bags, bottles, cups, non-biodegradable polystyrene food containers, fast-food paper packaging, maruming lampin, yosi, at disposable vapes kahit may “no smoking/vaping” policy sa parke.

"Napakailap pa rin yung pinapangarap na luntiang Traslacion," dagdag pa ni Tolentino.

"Gayunpaman, buo ang aming pag-asa na sasapit din ang Traslacion mula sa kasalukuyang makalat patungo sa maaliwalas na hinaharap sa pakikipag kapatiran ng mga deboto at iba pa."

Ipinaalala ng grupong sa mg deboto na pangalagaan ang mga likha ng Diyos, alinsunod na rin sa mga turo ng Simbahang Katolika at Laudato Si ni Pope Francis.

CATHOLICISM

ECOWASTE COALITION

FEAST OF THE BLACK NAZARENE

MANILA

QUIAPO CHURCH

QUIRINO GRANDSTAND

TRASLACION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with