Magnitude 6.7 na lindol tinamaan Davao Occidental
MANILA, Philippines — Malakas-lakas na lindol ang tumambad sa Mindanao ngayong madaling araw matapos ang magnitude 6.7 na pagyanig, bagay na mag-aanak pa ng mga aftershock.
Bandang 4:48 am nang maitala ang epicenter ng lindol 183 kilometro timogsilangan ng Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental, ayon sa Phivolcs ngayong Martes.
Una itong naitala bilang magnitude 7.1 na lindol ngunit in-adjust din ng Phivolcs pababa.
#EarthquakePH #EarthquakeDavaoOccidental
— PHIVOLCS-DOST (@phivolcs_dost) January 8, 2024
Earthquake Information No.1
Date and Time: 09 January 2024 - 04:48 AM
Magnitude = 7.1
Depth = 076 km
Location = 04.87°N, 126.36°E - 119 km S 55° E of Sarangani Island (Municipality Of Sarangani) (Davao Occidental)https://t.co/TUbHylNt1h pic.twitter.com/UdkxS8aCNt
Intensity IV (moderately strong)
- Glan, Malungon, at Kiamba, SARANGANI
Intensity III (weak)
- CITY OF GENERAL SANTOS
- City of Koronadal, Tupi, Polomolok, at T'boli, SOUTH COTABATO
- Alabel, at Malapatan, SARANGANI
- Matalam, COTABATO
Intensity II (slightly felt)
- Tampakan, Tantangan, Banga, Norala, Santo Niño, Surallah, at Lake Sebu, SOUTH COTABATO
- CITY OF ZAMBOANGA
- Maitum, SARANGANI
- City of Kidapwan, Makilala, M'lang, Pigcawayan, Tulunan, at Kabacan, COTABATO
- President Quirino, SULTAN KUDARAT
Intensity I (scarecely perceptible)
- CITY OF CAGAYAN DE ORO
- Maasim, SARANGANI
- Arakan, COTABATO
- Isulan, SULTAN KUDARAT
"No destructive tsunami threat exists based on available data," paliwanag ng Phivolcs kanina.
"This is for information purposes only and there is no tsunami threat to the Philippines from this earthquake."
Bagama't wala pang inaasahang pinsalang idudulot ng lindol, posible ang mga aftershock o mas maliliit na earthquake mula sa parehong epicenter.
- Latest