Mas malakas na kooperasyon ng Pinas at US, tiniyak ni Blinken
MANILA, Philippines — Nag-usap sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at US Secretary of State Anthony Blinken para mas mapalakas pa ang kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos sa susunod na taon.
Ang pag-uusap nina Manalo at Blinken ay ginawa sa pamamagitan ng telepono sa gitna ng serye ng pahayag ng China Ministry of Foreign Affairs kung saan itinuturo nito ang Pilipinas na siyang gumagawa ng mapaghamong aksyon sa West Philippine Sea (WPS).
Base sa inilabas na pahayag ng DFA, pinag-usapan din ng dalawang opisyal ang patuloy na tensyon sa South China Sea.
Muli naman iginiit ni Blinken ang matibay na commitment ng US sa Pilipinas sa ilalim ng Mutual Defense Treaty.
Pinagtibay naman ni Manalo ang pagsang-ayon ng Pilipinas dito at susunod para maprotektahan ang karapatang soberenya at hurisdiksyon habang pinapanatili ang kapayapaan at seguridad, gayundin ang pagsunod sa international rules based order.
Iginiit rin ng kalihim ang kahalagahan ng bukas na linya ng komunikasyon at sa iba pang partido na nagsusulong sa iisang layunin.
“Secretary Manalo and Secretary Blinken acknowledged the robust Philippines-United States alliance and bilateral relations, as well as discussed important opportunities for further strengthening cooperation in 2024,” pahayag pa ng DFA.
- Latest