‘Utak’ ng pawnshop robbery sa Cebu, pumasa sa Bar exams
MANILA, Philippines — Isang hinihinalang lider ng robbery group na umatake sa isang pawnshop sa Cebu City ang kabilang sa libo-libong pumasa sa nakaraang 2023 Bar Examinations.
Sa loob na ng bilangguan ng Cebu City Police Office nalaman ni Jigger Geverola ang pagpasa niya sa Bar exams. Sa kabila ng pagkakulong, pinasalamatan pa rin niya ang Diyos at ang mga sumuporta sa kaniya sa pagsusulit.
Nabatid na nadakip si Geverola nitong dulo ng Nobyembre dahil sa pagiging utak umano ng panghoholdap sa Oro Sugbu Pawnshop and Jewelry Store.
Ito ay makaraang ituro siya na lider umano ng mga unang nadakip na sina Dann Carlo Flores at Jordan Baquino. Sinabi ng dalawa na si Geverola umano ang nag-utos sa kanila na gamitin ang pulang sedan na kotse bilang “gateaway vehicle” nila.
Tahasan naman itong itinanggi ni Geverola at iginiit na nasa isang “feeding program” siya nang mangyari ang panghoholdap.
- Latest