^

Bansa

Pinas, US lumagda sa ‘123 deal’ sa nuclear energy

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pinas, US lumagda sa â123 dealâ sa nuclear energy
Philippine-US Flag.
Philstar.com / Martin Ramos

MANILA, Philippines — Lumagda ang Pilipinas at Estados Unidos sa “123 Agreement” para sa maayos na paggamit ng nuclear energy sa bansa.

“So, I believe congratulations are in order for the work of our respective negotiating teams, especially to the teams from the United States as I am only just been informed that this is the fastest 123 Agreement that the United has come to and for that, we are very grateful,” pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ng Pangulo na bahagi ng adhikain ng kaniyang gobyerno na magkaroon ng abot-kaya, maaasahan at sapat na supply ng enerhiya para sa buong bansa upang matugunan ang malakas na pangangailangan ng kuryente ng mamamayan pati na ang mga mamumuhunan sa Pilipinas.

“The signing of the Philippines -United States Agreement Concerning Peaceful Uses of Nuclear Energy o ang 123 Agreement is the first major step in this regard, taking our cooperation on capacity building further and actually opening the doors for U.S. companies to invest and participate in nuclear power projects in the country,” saad ng Pangulo.

Sinaksihan ng Pangulo ang paglagda ni Department of Energy (DOE) Secretary Raphael Lotilla sa 123 Agreement kasama si US Secretary of State Anthony Blinken.

Ang kasunduan anya ay simbolo ng matatag na alyansa at partnership ng Pilipinas at Amerika para sa mamamayan, para sa ekonomiya at para sa kalikasan.

ESTADOS UNIDOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with