Umento sa sahod ng government workers, mas mataas na kumpensasyon sa teachers suportado ni Bong Go
MANILA, Philippines — Nagpahayag ng suporta si Senator Christopher “Bong” Go sa panukalang taasan ang sweldo ng mga government workers, habang isinusulong ang pagpapahusay ng kumpensasyon at benepisyo para sa mga guro, gayundin ng budgetary support para sa National Academy of Sports (NAS) sa New Clark City, Capas, Tarlac.
Sa Senate plenary deliberation para sa 2024 budget ng Department of Education’s (DepEd) nitong Huwebes, inalala ni Go na nabanggit ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman sa Development Budget Coordination Committee hearing at sa plenary interpellations, na mayroong nasa P17 bilyong inilaan para sa Salary Standardization Law 6 sa panukalang 2024 budget.
Sa pamamagitan nito, posible aniyang sa susunod na taon ay magkaroon nang pagtaas sa sweldo ng mga government workers.
“Sana po ay matuloy ito at isa po ako sa magsusulong nito at kasama po dito ang ating mga teachers,” aniya.
Nanawagan din ang senador sa DepEd na i-advocate ang mas pinahusay na kumpensasyon at benepisyo para sa mga guro, at kinilala ang kanilang ekstraordinaryong dedikasyon at hindi matatawarang kontribusyon sa paghubog ng kinabukasan ng nasyon.
“Pag-aralan po natin kung anong benepisyo pa ang dapat ibigay sa ating mga guro bukod pa sa kanilang suweldo,” aniya. “It is therefore incumbent upon us to recognize their devotion”.
- Latest