^

Bansa

Public schools, pinaalalahanan sa ‘no collection policy’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan kahapon ng Department of Education (DepEd) ang mga pampublikong paaralan hinggil sa kanilang ‘no collection policy’.

Ang paalala ay ginawa ng DepEd matapos na ungkatin ng Senado ang mga reklamong natatanggap nila hinggil sa pangongolekta ng kontribusyon ng mga public schools, sa pamamagitan ng Parent-Teacher Association (PTA), sa budget hearing noong Huwebes.

Sinabi ni DepEd Spokesman at Undersecretary Michael Poa na mahigpit nilang ipinagbabawal ang pagso-solicit para sa school supplies at mga appliances para sa mga estudyante.

“Mayroon tayong tinatawag na no collection policy, so hindi po talaga puwedeng mangolekta ang ating mga paaralan,” ani Poa.

Hinikayat din niya ang publiko na kaagad na ­magreklamo sa kanilang tanggapan kung may nagaganap na paglabag dito.

Dagdag pa ni Poa, “Ang point ng no collection policy ay hindi dapat nakakaapekto sa grades o kung anumang performance ng bata ‘pag hindi siya nakapagbigay.”

vuukle comment

PTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with