^

Bansa

Melendez namahagi ng ayuda sa 10,500 residente

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Napagkalooban ng ayuda o financial assistance ang tinatayang 10,500 residente ng ikalimang distrito ng Quezon City.

Bukod sa financial assistance na naipagkaloob ni Quezon City 5th district councilor Aiko Melendez ay nakapagbaba rin siya ng katumbas na P20 ­milyon medical assistance sa pamamagitan ng guarantee letter.

Si Melendez ay ginawaran kamakailan ng “National Outstanding Humanitarian and Leadership Service” kasama si Quezon City Mayor Joy Belmonte na kinilala rin bilang “National Outstanding Mayor of the Philippines” ng Saludo Excellence Award.

Ayon sa konsehal na naging posible ang lahat ng ito dahil sa makabuluhang pakikipag-ugnayan sa mga mambabatas at sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pangunguna ni Sec. Rex Gatchalian.

Ayon sa kanya, nakatanggap ng P1,000 hanggang P2,000 ayuda ang kanyang mga kadistrito sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis o AICS ng DSWD simula nang muli siyang maupo bilang konsehal ng ikalimang distrito.

Ang beteranang aktres ay nauna nang nagsilbi bilang konsehal ng Quezon City noong 2001 hanggang 2010.

AIKO MELENDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with