^

Bansa

Truck importers sa freeport, binalaan ng SBMA chairman

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binalaan ni Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman Jonathan D. Tan ang lahat ng mga negosyante partikular ang mga gumagamit sa pantalan na nagpapa­rating ng mga truck na kailangang sumunod sa umiiral na panuntunan kung ayaw nilang mapalayas sa pagnenegosyo sa loob ng Freeport.

Sa isang pulong ni Tan sa  tinatayang 100 stakeholders ay kaniyang sinabi na ang ahensiya ay maghihigpit at susugpuin ang mga gawaing iligal na umanoy talamak sa freeport.

Isa sa madalas na gawin ng ilang tiwaling negosyante ay ang under declaration sa timbang ng mga pinararating na truck upang makabawas ng bayarin sa taripa at buwis.

Bukod dito ay bistado rin ang mga gawain ng ilan na nireretoke at binabago ang year model ng truck at pinaiikli ang proseso upang maiwasan ang mahigpit na polisiya sa pantalan sa pamamagitan ng umanoy panunuhol.

“This is a fair warning to everyone. The President told me to give you a chance , he told me to save the truck industry. The processing of imported trucks should be done as stated by law”, pagdidiin ni Chairman Tan.

Idiniin pa nito na karamihan sa mga truckers ay nagsusuhol para mapabilis ang pagpoproseso sa kanilang mga papeles.

Sinabi ni Tan na tatapusin nila ang ganitong ilegal na aktibidades kasabay nang pagsasabing kailangang dumaan sa tamang proseso ang paglalabas ng mga truck.

vuukle comment

SBMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with