^

Bansa

Signal No. 3 itinaas sa Itbayat, Batanes dahil sa Typhoon Jenny

James Relativo - Philstar.com
Signal No. 3 itinaas sa Itbayat, Batanes dahil sa Typhoon Jenny
Ito ang ibinahagi ng PAGASA nitong Miyerkules matapos makita ang mata ng typhoon 270 kilometro silangan hilagangsilangan ng Itbayat, Batanes bandang 4 a.m.
Released/PAGASA

MANILA, Philippines — Bahagyang humina ang bagyong "Jenny" habang nagpapatuloy sa direksyon nitong kanluran hilagangkanluran patungong katimugang Taiwan.

Ito ang ibinahagi ng PAGASA nitong Miyerkules matapos makita ang mata ng typhoon 270 kilometro silangan hilagangsilangan ng Itbayat, Batanes bandang 4 a.m.

  • Lakas ng hangin: 150 kilometro kada oras malapit sa gitna
  • Bugso ng hangin: hanggang 185 kilometro kada oras
  • Pagkilos: 10 kilometro kada oras
  • Direksyon: kanluran hilagangkanluran

"The weakening trend is forecast to continue due to the increasing dry air entrainment and vertical wind shear," wika ng PAGASA ngayong araw.

"Land interaction during its passage over the rugged terrain of southern Taiwan will further weaken the typhoon. Once over the Taiwan Strait, additional cool dry air from the north will entrain into Jenny, resulting in continued weakening."

Nakikitang magbabagsak ng 100-200 milimetro ng tubig-ulan sa probinsya ng Batanes ngayong araw habang nasa 50-100 mm naman sa hilagang bahagi ng Babuyan Islands.

Umiiral pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signals sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas dahil na rin sa malalakas hanggang typhoon-force winds.

Signal No. 3

  • hilagang bahagi ng Batanes (Itbayat)

Makatitikim ng storm-force winds ang nabanggit sa loob ng 18 oras at maaaring humarap sa katamtaman hanggang signipikanteng banta sa buhay at ari-arian.

Signal No. 2

  • nalalabing bahagi ng Batanes at hilagang bahagi ng Babuyan Islands (Babuyan Is., Calayan Is.)

Tatamaan ng 62 hanggang 88 kilommetro kada oras na hangin ang mga naturang lugar dahil sa gale-force winds sa susunod na 24 oras.

Signal No. 1

  • nalalabing bahagi ng Babuyan Islands
  • hilagang bahagi ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Buguey, Santa Teresiuta, Lal-Lol, Camalaniugan, Pamplona, Claveria, Aparri, Ballesteros, Abublug, Allacapan, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Lasam, Gattaran)
  • hilagang bahagi ng Apayao (Calansan, Pudtol, Luna, Santa Marcela, Flora)
  • hilagang bahagi ng Ilocos Norte (Piddig, Bangui, Vintar, Burgos, Pagudpud, Bacarra, Adams, Pauquin, Dumalneg, Laoag City)

Nagsimula na ang pagpihit ng bagyo patungong kanluran hilagangkanluran at nakikitang kikilos pakanluran hilagangkanluran sa susunod na 12 oras bago magawang pakanluran.

Nakikitang sasalpok ang bagyo sa timog bahagi ng Taiwan bukas, Huwebes nang umaga, bago lumabas ng Philippine area of responsibility bukas nang hapon o gabi.

Masungit na panahon dahil sa habagat

Patuloy na palalakasin ng bagyong Jenny ang hanging habagat at magdadala ng minsanang pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon sa susunod na tatlong araw.

Ang pagpapalakas ng habagat ay sinasabing magdadala ng malalakas na hangin sa susunod na araw na hindi nasa ilalim ng anumang wind signal, lalo na sa mga baybaying dagat at mabubundok na lugar.

Narito ang mga makararanas ng gusty conditions ngayong araw kaugnay ng habagat:

  • timog bahagi ng Aurora
  • Bataan
  • Metro Manila
  • Occidental Mindoro
  • Kalayaan Islands
  • Romblon
  • kalakhan ng CALABARZON
  • ilang bahagi ng Bicol Region

vuukle comment

JENNY

PAGASA

TYPHOON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with