^

Bansa

Panukalang maglaan ng 10% na katutubong empleyado sa trabaho umani ng suporta

Philstar.com
Panukalang maglaan ng 10% na katutubong empleyado sa trabaho umani ng suporta
This photo taken in March 2019 shows Paggawisan Tako Am-In (PAGTA) members Jem Pugong and Ruth Gonzalo don their indigenous attires for a cultural presentation at the Museo Kordilyera.
PAGTA released

MANILA, Philippines — Hinihikayat ngayon ng Commission on Human Rights (CHR) ang Kongreso na tuluyang maisabatas ang Senate Bill 1026, isang panukalang batas na layong bigyan ng pantay na oportunidad ang mga katutubo sa pagtratrabaho.

Tinutukoy ng komisyon ang "An Act Ensuring Equal Employment Opportunities To Members Of Indigenous Cultural Communities And Preference In Certain Cases And For Other Purposes" na siyang inihain ni Sen. Jinggoy Estrada noon pang ika-4 ng Agosto taong 2022.

"Under the bill, the government is mandated to reserve at least 10 percent of the rank-and-file positions in government services to IPs in areas where indigenous cultural communities’ presence is dominant," sabi ng CHR ngayong Huwebes.

"Additionally, private enterprises that operate in areas where ICC exist and which receive assistance, loans, or grants from the government, shall be required to give preferential employment to members of ICC by assuring them a 10% slot in their workforce."

Paliwanag ng komisyon, malaking tulong ang pagpasa ng panukala upang matugunan ang isyu ng kahirapan, hindi pagkakapantay-pantay at diskriminasyon laban sa mga katutubo.

Dagdag pa ng CHR, napipigilan ng diskriminasyon at paglabag sa karapatang pantao ng mga katutubo ang pag-asenso sa nuhay ng mga nabanggit.

Katutubo at kahirapan

Una nang sinabi ng International Labor Organization sa kanilang 2020 report na "three times more likely" mabuhay sa "extreme poverty" ang mga IP kumpara sa mga hindi katutubo.

Kinikilala rin ang mga IPs bilang isa sa pinakamahihirap na sektor sa lipunang Pilipino at siyang nakararanas ng pinakamatataas ng porsyento ng unemployment, underemployment at illiteracy.

"An important feature of SB 1026 is the prohibition against discrimination of IP members in the hiring and dismissal on the basis of their ethnic group," dagdag pa ng CHR.

"This provides additional protection for IP workers while also helping create a safe space for them considering their vulnerability to discrimination."

Dagdag pa nila, ang paggagarantiya ng slots para sa mga katutubo sa mga lugar kung saan sila'y marami ay makatutulong para ma-"mainstream" sila sa lipunan habang napahuhusay ang kanilang potensyal.

Idinidiin ng 1987 Constitution ang obligasyon ng gobyernong kilalanin, respetuhin at itaguyod ang karapatan ng mga IP sa framework ng national development. — James Relativo

vuukle comment

COMMISSION ON HUMAN RIGHTS

INDIGENOUS PEOPLES

INTERNATIONAL LABOR ORGANIZATION

JINGGOY ESTRADA

LABOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with