^

Bansa

Bagyong 'Hanna' magiging typhoon sa loob ng 12 oras — PAGASA

James Relativo - Philstar.com
Bagyong 'Hanna' magiging typhoon sa loob ng 12 oras — PAGASA
Bandang 4 a.m. nang mamataan ang sentro ng bagyo 1,225 kilometro silangan ng Dulong Hilagang Luzon, ayon sa pinakahuling taya ng PAGASA ngayong Huwebes.
RAMMB

MANILA, Philippines — Bahagyang bumilis ang Severe Tropical Storm Hanna pakanluran sa ibabaw ng Philippine Sea, ayon sa pinakahuling taya ng state meteorologists.

Bandang 4 p.m. nang mamataan ang sentro ng bagyo 1,035 kilometro silangan ng dulong hilagang Luzon, ayon sa pinakahuling taya ng PAGASA ngayong Huwebes.

  • Lakas ng hangin: 110 kilometro kada oras malapit sa gitna
  • Bugso ng hangin: hanggang 135 kilometro kada oras
  • Direksyon: pakanluran
  • Pagkilos: 15 kilometro kada oras

"Hanna is forecast to gradually intensify until late Saturday or on early Sunday, when it is expected to reach its peak intensity," wika ng PAGASA ngayong hapon.

"It may be upgraded into a typhoon within 12 hours while still inside the PAR region. This tropical cyclone is forecast to remain far from the Philippine landmass."

Pinalalakas pa rin ng bagyo, kasama ng Super Typhoon Saola (dating bagyong "Goring") at Severe Tropical Storm Kirogi sa labas ng Philippine area of responsibility, ang hanging habagat. 

Magdadala ito ng minsanan hanggang monsoon rains sa kanlurang bahagi ng Luzon sa susunod na tatlong araw.

Tinatayang mas maraming ulan ang babagsak sa mga matataas at mabubundok na lugar. Sa ilalim nito, malaki ang tiyansang makapagtala ng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga naturang lugar.

Ang pinalakas na habagat ay magdadala ng mahanging panahon sa mga sumusunod na lugar ngayong araw hanggang Biyernes lalo na 'yung mga nasa baybayin at matataas na erya:

  • Ilocos Region
  • Cordillera Administrative Region
  • Zambales
  • Bataan
  • Aurora
  • Bulacan
  • Metro Manila
  • CALABARZON
  • MIMAROPA
  • Bicol Region
  • Western Visayas
  • hilagang bahagi ng Eastern Visayas

"Hanna is forecast to accelerate west northwestward and exit the Philippine Area of Responsibility (PAR) on Saturday while approaching the Ryukyu Islands," dagdag pa ng PAGASA kanina.

"Outside the PAR, it will continue to track west northwestward direction until Sunday before turning northwestward throughout the remaining forecast period. Hanna will continue to move over the East China Sea and make landfall over the east coast of mainland China on Sunday."

"Rapid weakening will ensue following its landfall over mainland China." 
 

HANNA

PAGASA

SEVERE TROPICAL STORM

Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with