^

Bansa

P72 billion budget sa Supreme Court hiniling ng Duterte Youth

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
P72 billion budget sa Supreme Court hiniling ng Duterte Youth
Stock photo of a peso money bill.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Isinusulong ni Duterte Youth Party-List Representative at House Appropriations Committee Member Drixie Mae Cardema na bigyan ng P71.91 bilyong pondo ang Supreme Court (SC) at iba pang korte sa bansa sa susunod na taon.

Sinabi ni Cardema ito ay para mabigyan ng hustisya ang pagiging independent at co-equal branch ng hudikatura.

Giit pa ng kongresista, na kaya matagal ang sinasabing hustisya sa bansa dahil kulang sa mga Judges at korte sa bansa na didinig sa mga kaso ng bayan.

Kaya kailangan umanong tulungan ang Korte Suprema sa kanilang mandato na magsaayos ng mas maraming korte sa ating bansa na siyang mag-aasikaso sa tambak-tambak na nagiging kaso sa lahat ng panig ng  buong bansa.

“Puro tayo reklamo na mabagal daw ang hustisya sa bansa, ‘di naman natin binibigay ang kanilang kailangang buong budget pang-operate para makabuo sila ng mga solusyon,” giit pa ni Cardema.

Nabatid na nasa P57.79 bilyon lamang ang inirekomendang pondo ngg sangay ng ehekutibo para sa sangay ng lehislatura.

Kaya giit ni Cardema, dapat na magkaroon na ng fiscal autonomy ang hudikatura.

vuukle comment

COMMITTEE

MONEY

SUPREME COURT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with