^

Bansa

Parte ng Babuyan Islands Signal No. 4 dahil kay Typhoon Goring — PAGASA

James Relativo - Philstar.com
Parte ng Babuyan Islands Signal No. 4 dahil kay Typhoon Goring — PAGASA
Bandang 4 p.m. ng Huwebes nang mamataan ng state weather bureau ang sentro ng bagyo 165 kilometro silangan ng Calayan, Cagayan.
earth.nullschool.net

MANILA, Philippines — Pormal nang isinailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 4 ang hilagangsilangang bahagi ng Babuyan Islands matapos bahagyang lumakas ang Typhoon Goring, ayon sa ulat ng PAGASA.

Bandang 4 p.m. ng Huwebes nang mamataan ng state weather bureau ang sentro ng bagyo 165 kilometro silangan ng Calayan, Cagayan.

  • Lakas ng hangin: 165 kilometro kada oras malapit sa gitna
  • Bugso ng hangin: hanggang 205 kilometro kada oras
  • Pagkilos: 10 kilometro kada oras
  • Direksyon: kanluran hilagangkanluran

"The latest track forecast indicates that the typhoon may pass very close or make landfall in the vicinity of Babuyan Island between tonight or tomorrow early morning (although a slight northward shift in the track forecast may bring the eye and eyewall region of the typhoon to the southern portion of Batanes)," wika ng PAGASA kanina.

"During this period, the typhoon is forecast to persist in strength by the time it passes very close or over Batanes (although gradual re-intensifying and reaching into a super typhoon category is not ruled out)."

Tinatayang maiipon ang nasa 100-200 milimetrong ulan mula ngayong araw hanggang bukas ng hapon sa Babuyan Islands kaugnay ng bagyo.

Samantala, nasa 50-100 mm naman ang inaasahan sa Batanes, Ilocos Norte, hilagang bahagi ng Abra, Apayao, at hilaga at silangang bahagi ng mainland Cagayan.

Storm warning signal

Signal No. 4

  • hilagangsilangang bahagi ng Babuyan Islands (Babuyan Is.)

Tinataya ngayon ang banta ng typhoon-force winds sa naturang lugar sa susunod na 12 oras, bagay na posibleng may "[s]ignificant to severe threat to life and property."

Signal No. 3

  • katimugang bahagi ng Batanes (Sabtang, Uyugan, Ivana, Mahatao, Basco)
  • nalalabing bahagi ng Babuyan Islands

Tinataya naman aabot sa 89 hanggang 117 km/h ang bilis ng "storm-force winds" sa mga naturang lugar, bagay na posibleng magdala ng katamtaman hanggang signipikanteng banta sa buhay at ari-arian.

Signal No. 2

  • hilagangsilangang bahagi ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Buguey, Camalaniugan, Santa Teresita, Allacapan, Lal-Lo, Lasam, Gattaran, Baggao, Peñablanca)
  • nalalabing bahagi ng Batanes
  • hilagang bahagi ng Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Bangui, Dumalneg)
  • hilagang bahagi ng Apayao (Calanasan, Luna, Santa Marcela, Flora, Pudtol)

Dahil sa gale-force winds, tinatayang aabot sa 62-88 km/h ang bilis ng hangin sa mga naturang lugar sa susunod na 24 oras. "Minor to moderate" naman ang nakikitang banta sa buhay at ari-arian sa mga naturang erya.

Signal No. 1

  • hilaga at silangang bahagi ng Isabela (Dinapigue, San Mariano, Ilagan City, Tumauini, San Pablo, Cabagan, Maconacon, Divilacan, Palanan, Santa Maria, Santo Tomas, Quezon, Delfin Albano)
  • nalalabing bahagi ng Ilocos Norte
  • nalalabing bahagi ng Cagayan
  • nalalabing bahagi ng Apayao
  • hilagang bahagi ng Abra (Tineg, Lagayan, Lacub, Malibcong)
  • hilagang bahagi ng Kalinga (Balbalan, Pinukpuk, Rizal, City of Tabuk)

"Goring is forecast to follow a mainly northwestward or west northwestward path across the Luzon Strait from today until it exits the Philippine Area of Responsibility (PAR) tomorrow evening or Thursday morning," dagdag pa ng mga meteorologists.

"Wind Signal No. 5 is the highest possible warning level due to severe winds that may be hoisted by PAGASA over extreme northern Luzon."

Pagpapaulan ng habagat

Maagdadala rin ang hanging habagat na pinalakas ng bagyo ng minsanan o 'di kaya'y monsoon rains sa kanlurang bahagi ng central Luzon, southern Luzon at Visayas sa susunod na tatlong araw.

Posible ring magdala ng mahanging panahon ang habagat sa mga sumusunod na lugar na hindi nakasailalim sa anumang wind signals ngayong araw: Aurora, Bataan, Bulacan, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, Dinagat Islands, Camiguin, at malaking bahagi ng Zamboanga Peninsula.

GORING

PAGASA

TYPHOON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with