^

Bansa

MC-TWG ng LTFRB walang silbi

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Wala umanong silbi at wala ring legal na personalidad ang Motorcycle Taxi Technical Working Group (MC-TWG) ng Land Trans­portation and Franchising Regulatory Board (LTFRB).

Ito ang binigyang diin ni Atty. Charlie Inton, kina­tawan ng mga legal counsels ng Lawyer for Commuter Safety and Protection sa pagdinig ng House Committee on Transportation kaugnay ng legalidad ng TWG na nangangasiwa sa operasyon ng mga two-wheeled taxis sa ilalim ng pilot study na inumpisahan ng LTFRB noong 2019.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng komite na pinamumunuan ni 2nd District Antipolo City Rep. Romeo Acop, kinuwestiyon ang status ng programa na nag­patuloy sa loob ng apat na taon.

“We don’t know what kind of animal [the] TWG [is] … it has no legal personality,” pahayag ni Inton sa panel at iginiit pang kapag may reklamo sa MC-TMG ay hindi ng mga ito madesisyunan at kapag nadesisyunan naman ay hindi naman maimplementa.

Tila nairita naman si Acop at nilinaw kay Inton na base sa House Resolution (2449), isinasaad nito na “while legislation on the matter is pending in Congress, the DOTr (Department of Transportation) is in the position to address this gap by setting up a pilot program monitoring the operations of motorcycle taxis and overseeing the conduct of the entire transaction from booking the trip to passenger’s arrival destination.”

Binigyang diin ng Chair­man ng komite na ang DOTr ay may mandato na idesenyo ang pilot program at pumili ng mga lugar kung saan ito iimplementa sa buong bansa gayundin ay idetermina ang kaukulang panuntunan at regulasyon sa nasabing pamamaraan ng transpor­tasyon para tiyakin ang proteksiyon at kaligtasan ng mga commuters.

“So nasa kanila ‘yon … they have the legal personality as stated here,” pagbibigay diin pa ni Acop.

Inatasan naman ni Acop si LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III na isumite ang findings ng pilot study para makaaksyon naman ang Kamara na pagtibayin ang mga nakabimbing panukalang batas na naglalayong na gawing­ legal at iregulisa ang tumataas na bilang ng industriya ng motorcycle taxi.

vuukle comment

MOTORCYCLE TAXI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with