^

Bansa

Legit Status nanguna sa World Hip Hop Dance Championship 2023

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Legit Status nanguna sa World Hip Hop Dance Championship 2023
Alexis Nickole B. Enciso

MANILA, Philippines — Ang Legit Status dance crew, na ang mga miyembro ay kinabibilangan ni Alexis Nickole B. Enciso, ang siyang nanguna at naging kampeon sa World Hip Hop Dance Championship 2023 na idinaos kamakailan sa Phoenix, Arizona.

Ang kumpetisyon, kung saan nanguna ang Legit Status sa MegaCrew Division, ay idinaos noong Agosto 6.

Dinaig ng grupo ang 54 pang dance groups sa buong kumpetisyon.

Binati naman si Alexis ng kanyang mga magulang na sina Alvin at Astrid Enciso, dahil sa naging tagumpay niya at ng kanyang grupo.

“Congratulations to Legit Status and my Alexis. You are our country’s pride! Alexis, we are happy to see you reach your dreams and pursue one of your passions. Our little girl is all grown up! We can’t wait to see new heights you will conquer. We are with you all the way,” ani Alvin.

Ang nakababatang Enciso ay kumukuha ng industrial engineering sa De La Salle University sa Maynila.

Nabatid na ang Legit Status ay may four-minute performance sa panahon ng finals, kung saan nila ipinamalas ang kanilang mga dance techniques na nagpahanga sa mga manonood na nag-cheer para sa kanila.

Ang Legit Status rin ang umawit ng Philippine National Anthem sa harapan ng mga manonood, at buong pagmamalaking kinatawan ang Pilipinas.

Ang dalawa pang Pinoy dance groups na nagwagi rin sa kumpetisyon ay ang UP Streetdance Club, na pumangatlo at ang HQ na nanalo naman sa Adult Division.

DANCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with